{"id":3382,"date":"2024-12-11T12:44:25","date_gmt":"2024-12-11T12:44:25","guid":{"rendered":"https:\/\/balitangklik.com\/?p=3382"},"modified":"2024-12-11T12:46:28","modified_gmt":"2024-12-11T12:46:28","slug":"dalawang-yunit-ng-afp-sa-quezon-nagkasagupaan-sa-misencounter","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/balitangklik.com\/?p=3382","title":{"rendered":"WOW, MALI! DALAWANG YUNIT NG PHIL. ARMY SA QUEZON, NAGKASAGUPAAN SA MISENCOUNTER"},"content":{"rendered":"<p><strong>\ud83d\udcf7Ang anunsyo ng Phil. Army sa umano&#8217;y encounter sa NPA.| 202nd Infantry &#8220;Unifier&#8221; Brigade, Philippine Army Facebook\u00a0 page<\/strong><\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>NAGKASAGUPAAN ang dalawang yunit ng 202<sup>nd<\/sup> Infantry Brigade ng Philippine Army sa Barangay Llavac, Real, Quezon noong Disyembre 2 taliwas sa ulat ng militar na naka-engkuwentro nila ang isang grupo ng New People\u2019s Army.<\/p>\n<p>Inihayag ito sa isang kalatas ng Communist Party of the Philippines (CPP).<\/p>\n<p>\u201cNagkasagupaan ang dalawang yunit ng 202nd IBde sa Barangay Llavac, Real, Quezon noong Disyembre 2 dahil sa napakalaking pwersang ipinakat nito para sa focused military operation sa naturang bayan,\u201d sabi ni Ka Eliza Dela Guerra, tagapagsalita ng NPA-North Quezon.<\/p>\n<p>\u201cDemoralisado ang mga sundalo ng 202nd IBde dahil pagod na nga sa walang tigil na pagsugsog sa kagubatan at kabundukan, ay nakasagupa pa nila ang mga kapwa sundalo,\u201d dagdag niya.<\/p>\n<p>Aniya, sa kahihiyan, pekeng pinalabas ng militar na isang yunit ng NPA-Quezon ang kanilang nakalaban.<\/p>\n<p>Kinompirma na rin aniya ng ulat ng hukbong bayan na wala silang yunit na nakasagupa ng mga sundalo sa araw na iyon.<\/p>\n<p>\u201cPatuloy na panlilinlang ang ginagawa ng yunit ng 202nd IBde sa bayan ng Real upang bigyang katwiran ang kanilang kabuktutan ng walang tigil na operasyon sa Real,\u201d pahayag ni Dela Guerra.<\/p>\n<p>Sa paskil ng 202nd Infantry &#8220;Unifier&#8221; Brigade, Philippine Army Facebook page noong Disyembre 1 ay nakasaad :<\/p>\n<p>\u201cNagkaroon ng engkwentro sa pagitan ng mga sundalo ng 202nd Infantry (Unifier) Brigade at ng mga miyembro ng Komunistang Teroristang Grupo sa So Gitna, Barangay Llavac, Real, Quezon. Ang insidenteng ito ay bahagi ng patuloy na operasyon ng hukbong sandatahan upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa rehiyon.<\/p>\n<p>Manatiling nakaantabay para sa mga susunod pang mga detalye ukol sa balitang ito.\u201d<\/p>\n<p>Walang anomang update ang naturang FB page hinggil sa naturang \u201cengkuwentro.\u201d<\/p>\n<p>Para kay Dela Guerra, hindi na bago sa mga taga-Quezoon ang umano\u2019y pagpapakalat ng kasinungalingan ng 202nd IBde dahil ginawa na nila ito noong 2023.<\/p>\n<p>\u201cLiban dito, tuluy-tuloy ang panlilinlang ng mga sundalo sa mga residente ng barangay Lagpan at Poblacion Uno at pagpapakalat ng kwento na mayroong mga Pulang mandirigma na nakita malapit sa kanilang kampo. Nag-eskandalo pa sila nang ipinabuhay ang mga CCTV sa lugar upang diumano\u2019y makuha kung saan nagpunta ang sinasabing mga kasapi ng hukbo,\u201d sabi ni Dela Guerra.<\/p>\n<p>May isang buwan na aniya ang inilunsad na operasyon ng 202<sup>nd<\/sup> IBde sa Real at mga karatig bayan nito na nagdulot ng ligalig at takot sa mga mamamayan.<\/p>\n<p>\u201cNaitala sa panahong ito ang mga kaso paglabag sa karapatang-tao tulad ng iligal na panghahalughog, harasment, pagbabanta, red-tagging at iba pa. Ang sigaw ng taumbaryo: Layas militar!\u201d<\/p>\n<p>Nanawagan si Dela Guerra sa mga residente ng Real na patuloy na ilantad ang nagaganap na militarisasyon at kaugnay na kasinungalingang nilulubid ng AFP.<\/p>\n<p>\u201cHigit pa rito, dapat ilantad at tutulan ng mamamayan ng Real ang pananatili ng mga militar sa kanilang lugar na nagbibigay-daan para sa mga paglabag sa karapatang-tao,\u201d sabi pa niya. <strong>(ROSE\u00a0 NOVENARIO)<\/strong><\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>\ud83d\udcf7Ang anunsyo ng Phil. Army sa umano&#8217;y encounter sa NPA.| 202nd Infantry &#8220;Unifier&#8221; Brigade, Philippine Army Facebook\u00a0 page &nbsp; NAGKASAGUPAAN ang dalawang yunit ng 202nd Infantry Brigade ng Philippine Army sa Barangay Llavac, Real, Quezon noong Disyembre 2 taliwas sa ulat ng militar na naka-engkuwentro nila ang isang grupo ng New People\u2019s Army. Inihayag ito [&hellip;]<\/p>\n","protected":false},"author":2,"featured_media":3383,"comment_status":"open","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"om_disable_all_campaigns":false,"_monsterinsights_skip_tracking":false,"_monsterinsights_sitenote_active":false,"_monsterinsights_sitenote_note":"","_monsterinsights_sitenote_category":0,"_uf_show_specific_survey":0,"_uf_disable_surveys":false,"footnotes":""},"categories":[1],"tags":[],"class_list":["post-3382","post","type-post","status-publish","format-standard","has-post-thumbnail","hentry","category-blog"],"aioseo_notices":[],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/balitangklik.com\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/posts\/3382","targetHints":{"allow":["GET"]}}],"collection":[{"href":"https:\/\/balitangklik.com\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/balitangklik.com\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/balitangklik.com\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/users\/2"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/balitangklik.com\/index.php?rest_route=%2Fwp%2Fv2%2Fcomments&post=3382"}],"version-history":[{"count":3,"href":"https:\/\/balitangklik.com\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/posts\/3382\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":3386,"href":"https:\/\/balitangklik.com\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/posts\/3382\/revisions\/3386"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/balitangklik.com\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/media\/3383"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/balitangklik.com\/index.php?rest_route=%2Fwp%2Fv2%2Fmedia&parent=3382"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/balitangklik.com\/index.php?rest_route=%2Fwp%2Fv2%2Fcategories&post=3382"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/balitangklik.com\/index.php?rest_route=%2Fwp%2Fv2%2Ftags&post=3382"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}