{"id":4802,"date":"2025-08-21T09:23:22","date_gmt":"2025-08-21T08:23:22","guid":{"rendered":"https:\/\/balitangklik.com\/?p=4802"},"modified":"2025-08-21T09:23:22","modified_gmt":"2025-08-21T08:23:22","slug":"korapsyon-isang-matinding-banta-sa-pambansang-seguridad-ng-pilipinas","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/balitangklik.com\/?p=4802","title":{"rendered":"Korapsyon, Isang Matinding Banta sa Pambansang Seguridad ng Pilipinas"},"content":{"rendered":"<p>Malawak at sistematiko na ang korapsyon sa Pilipinas kaya\u2019t kailangan ideklara na ito bilang banta sa pambansang seguridad ni Pangulong Ferdinand \u201cBongbong\u201d Marcos Jr. bago pa maging tuntungan ito para patalsikin siya sa puwesto.<\/p>\n<p>Pinapalala ng korapsyon ang kahirapan, sakunang pangkalikasan, at kawalang-katarungan. Ang mga ito ay nag-uudyok ng galit sa mamamayan, na nagiging sanhi ng krimen, kaguluhan, at rebelyon.<\/p>\n<p>Kapag bumagsak ang tiwala sa mga institusyon, nagiging bulnerable ang bansa,hindi lamang sa loob, kundi pati sa panlabas na manipulasyon.<\/p>\n<p>Ayon sa Transparency International, ang korapsyon ay \u201cpag-abuso sa kapangyarihang ipinagkatiwala para sa pansariling pakinabang.\u201d<\/p>\n<p>Noong 2003, nagbabala si dating UN Secretary-General Kofi Annan na ang korapsyon ay labis na nagpapahirap sa mahihirap, dinadaya ang pondo para sa kaunlaran, pinahihina ang serbisyong publiko, at pinapalala ang hindi pagkakapantay-pantay.<\/p>\n<p><strong>Korapsyon sa Pilipinas<\/strong><\/p>\n<p>Sa konteksto ng Pilipinas, sinabi ng ekonomistang si Robert Nelson sa isang artikulo noong 2007 sa Philippine Review of Economics na ang korapsyon ay bunga ng kolonyal na pamana.<\/p>\n<p>Sa mahabang panahon ng pananakop, nabuo ang kulturang nakatuon sa sariling kaligtasan at pakinabang. Sa paglipas ng henerasyon, lalong lumalim ang cronyism at parang kabuteng nagsulputan ang political dynasties, na siyang sumira sa prinsipyo ng demokrasya.<\/p>\n<p>Ang kasaysayan ng bansa ay paulit-ulit na binabalot ng korapsyon at pag-aalsa. Noong 1986, pinatalsik ng EDSA People Power Revolution si Pangulong Ferdinand Marcos Sr. dahil sa matinding korapsyon at paglabag sa karapatang pantao. Tinatayang ninakaw niya ang \u20b1250 bilyon hanggang \u20b1500 bilyon mula 1965 hanggang 1986.<\/p>\n<p>Ngunit ilang taon lamang ang lumipas, muling lumitaw ang mga eskandalo. Sa ilalim ni Pangulong Fidel Ramos, natuklasan ng Senado na tumanggap ng $1 bilyon ang Public Estates Authority bilang kickback.<\/p>\n<p>Noong 2001, pinatalsik si Pangulong Joseph Estrada sa ikalawang People Power dahil sa pagnanakaw ng mahigit \u20b180 bilyon. Nahatulan siya sa kasong plunder noong 2007, ngunit agad na pinatawad ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.<\/p>\n<p>Pagkatapos ng kanyang termino noong 2011, si Arroyo ay kinasuhan ng plunder ngunit pinawalang-sala ng Korte Suprema noong 2016.<\/p>\n<p>Ang kanyang kahalili, si Pangulong Benigno Aquino III, ay pinuri sa pagpapakulong ng mga sangkot sa \u20b110-bilyong pork barrel scam. Ngunit noong 2018, siya rin ay inakusahan ng pag-abuso sa kapangyarihang lehislatibo sa pag-reallocate ng \u20b11.67 bilyon. Hindi siya kailanman nahatulan hanggang sa kanyang pagpanaw noong 2021.<\/p>\n<p>Noong 2019, bago ang pandemya, sinabi ni Deputy Ombudsman Cyril Ramos na nawalan ang gobyerno ng \u20b11.4 trilyon sa loob ng dalawang taon dahil sa korapsyon, katumbas ng 20% ng taunang badyet.<\/p>\n<p>Ayon sa kanya, sapat ito para sa 1.4 milyong pabahay, tulong medikal sa 7 milyong Pilipino, o isang taong suplay ng bigas. \u201cSa halagang ito, walang Pilipinong dapat magutom,\u201d aniya.<\/p>\n<p>Noong taon ding iyon, ika-anim ang Pilipinas sa pinaka-corrupt na bansa sa Asia Pacific. Sa 2021 Corruption Perception Index ng Transparency International, nasa ika-117 na pwesto ang Pilipinas sa 180 bansa\u2014kasama ang Algeria, Egypt, Zambia, at Nepal.<\/p>\n<p>Sa kabila ng mga pangako, nabigo ang administrasyong Duterte na makamit ang makabuluhang tagumpay laban sa korapsyon. Sa kabila ng dokumento mula sa Commission on Audit, ipinagtanggol ni Duterte ang kanyang kaibigan na si Michael Yang at mga kaalyado sa Pharmally scandal. Pinanatili rin niya sa puwesto ang mga opisyal na sangkot sa mga eskandalo, tulad nina Nicanor Faeldon, Isidro Lape\u00f1a, at Allen Capuyan.<\/p>\n<p><strong>Gaano kaseryoso si Marcos Jr. na panagutin ang mga nagsabwatan sa katiwalian<\/strong><\/p>\n<p>Sa pagkakahalal ni Marcos Jr. bilang ika-17 Pangulo ng Republika, tila binalewala ang kasalanang ginawa ng kanyang pamilya sa bayan. Sa halip na sugpuin, lalong lumaganap at naging sistematiko ang korapsyon mula sa administrasyong Duterte hanggang sa kasalukuyan.<\/p>\n<p>Sa halip na mabawasan, bakit tila mas lumala pa ang korapsyon sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr?<\/p>\n<p>&#8220;Ah corruption? Kalimutan na lang natin &#8216;yung nakaraan. Sasabihin natin, &#8216;Ah sige that&#8217;s not under my watch, hindi ako, hindi ako namamahala noon eh. Ngayon ako na namamahala, so wala nang ganyan,&#8221; tugon ni Marcos Jr. sa panayam sa media noong Mayo 2022 nang tanungin sa kanyang plano hinggil sa korapsyon sa Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BoC).<\/p>\n<p>&#8220;Kung mayroon pang ganyan eh hahabul-habulin talaga namin kayo hindi pupuwede &#8216;yan because we will not succeed,&#8221; dagdag niya.<\/p>\n<p>Mahigit tatlong taon na sa poder si Marcos Jr., anyare na sa kampanya niya laban sa korapsyon? May napakulong na ba siya o may na-convict na ba bunsod ng kasong isinampa ng kanyang administrasyon? WALEY!<\/p>\n<p>Sa mga pagbubunyag kamakailan nina Marcos Jr. at Senador Panfilo Lacson, lumitaw ang isang sistemang lubos na bulok na naglalagay sa panganib hindi lamang sa ating imprastruktura at ekonomiya, kundi pati ang kaligtasan ng bansa.<\/p>\n<p>Ibinunyag ni Marcos Jr. na sa loob ng tatlong taon, umabot sa \u20b1546 bilyon ang ginastos para sa mga proyekto sa flood control.<\/p>\n<p>Sa halagang ito, \u20b1100 bilyon ang napunta sa 15 kontratista lamang, lima sa kanila ay may operasyon sa buong bansa.<\/p>\n<p>Libu-libong proyekto ang walang malinaw na detalye, at marami ang may parehong halaga at disenyo kahit magkaiba ang lokasyon. Hindi ito simpleng pagkukulang, ito ay sinadyang disenyo para sa pandarambong.<\/p>\n<p>Mas malalim pa ang isinisiwalat ni Lacson: hanggang 60% ng pondo para sa flood control ang nawawala sa pamamagitan ng kickback, ghost projects, at substandard na konstruksyon.<\/p>\n<p>Sa ilang distrito, kalahati lang ng kinakailangang lalim ang tinatambak na sheet piles,nagiging dahilan ng pagguho ng mga dike. Ang resulta? Buhay ang nawawala, kabuhayan ang nasisira, at bilyon-bilyong piso ang nasasayang habang taon-taon ay lumalala ang pagbaha.<\/p>\n<p><strong>Palpak na \u201cOptics\u201d <\/strong><\/p>\n<p>Binigyan diin ni Marcos Jr. na \u201cgalit\u201d siya sa nabistong P55.7-M ghost project sa Baliuag, Bulacan at isinapubliko pa ang mga resibo na ibinayad ng DPWH sa SYMS Construction Trading kahapon ng umaga<\/p>\n<p>Ang naturang \u201cpasabog\u201d ay nagmistulang kwitis kompara sa tindi ng mga ibinunyag ni Lacson sa kanyang privilege speech hinggil sa multi-bilyong pisong flood control projects, lalo na sa Bulacan.<\/p>\n<p>Lantarang naiskupan ni Lacson si Marcos Jr., considering 50 araw pa lamang siyang nakaupo bilang senador ng 20th Congress, kompara sa pangulo na tatlong taon na sa Palasyo at lahat ng resources ng pamahalaan ay puwede niyang gamitin para tumbukin ang mga corrupt o kaya\u2019y napigilan man lang sana ang malawakang nakawan, kung matitinong tao ang iniluklok niya sa puwesto.<\/p>\n<p>Nagsampol si Lacson ng mga pangalan ng mga opisyal ng DPWH at mga construction company\u00a0 na nagsabwatan sa panggagahasa sa kaban ng bayan, habang si Marcos Jr. sumugod pa sa Bulacan para ipakita ang ghost project at resibong ibinayad sa contruction company,pero hindi binanggit ang pangalan ng may-ari nito at sino ang politikong nag-sponsor ng proyekto, kung mayroon man.<\/p>\n<p><strong>Ang Hamon<\/strong><\/p>\n<p>Maganda ang paglulunsad ni Marcos Jr. sa sumbong sa pangulo website na ang layunin ay palakasin ang partisipasyon ng mamamayan sa pamahalaan o participatory governance.<\/p>\n<p>Kung talagang totoo ang hangarin niyang magkaroon ng mabuting pamamahala sa natitira niyang mahigit dalawang taon sa poder, imbes awayin, mas makabubuti kung hikayatin din niya ang civil society \/ cause oriented at community groups na makilahok sa anti-corruption programs.<\/p>\n<p>Dapat din niyang paigtingin ang transparency sa mga transaksyon ng gobyerno at ipatupad ang pananagutan sa mga kasong may kinalaman sa korapsyon.<\/p>\n<p>Hilingin din niya sa Kongreso na amyendahan ang mga batas upang mas mabigat ang parusa sa mga tiwali<\/p>\n<p>Himukin ang hudikatura na magpatupad ng reporma sa kanilang hanay upang mapabilis ang pagresolba ng mga kaso.<\/p>\n<p>Mapapadali ang implementasyon ng mga hakbang para sa inaasam niyang \u201canti-corruption legacy\u201d kung ang hawak niyang P4.5 bilyong confidential and intelligence funds ay dito niya gastusin.<\/p>\n<p>Puwede niyang pairalin ang reward system sa mga mamamayan na magbibigay sa kanya ng mga lehitimong impormasyon sa sumbong sa pangulo website.<\/p>\n<p>Napakalaking kaibahan nito kompara sa reward system ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ipinatupad niyang madugong drug war.<\/p>\n<p>Sa ganitong paraan, maraming bibilib sa kanyang \u201csinseridad\u201d sa paglilinis ng kanyang administrasyon at maitatala sa kasaysayan na talagang &#8220;iba&#8221; siya sa kanyang ama.<\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Malawak at sistematiko na ang korapsyon sa Pilipinas kaya\u2019t kailangan ideklara na ito bilang banta sa pambansang seguridad ni Pangulong Ferdinand \u201cBongbong\u201d Marcos Jr. bago pa maging tuntungan ito para patalsikin siya sa puwesto. Pinapalala ng korapsyon ang kahirapan, sakunang pangkalikasan, at kawalang-katarungan. Ang mga ito ay nag-uudyok ng galit sa mamamayan, na nagiging sanhi [&hellip;]<\/p>\n","protected":false},"author":2,"featured_media":4177,"comment_status":"open","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"om_disable_all_campaigns":false,"_monsterinsights_skip_tracking":false,"_monsterinsights_sitenote_active":false,"_monsterinsights_sitenote_note":"","_monsterinsights_sitenote_category":0,"_uf_show_specific_survey":0,"_uf_disable_surveys":false,"footnotes":""},"categories":[9],"tags":[],"class_list":["post-4802","post","type-post","status-publish","format-standard","has-post-thumbnail","hentry","category-editoryal"],"aioseo_notices":[],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/balitangklik.com\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/posts\/4802","targetHints":{"allow":["GET"]}}],"collection":[{"href":"https:\/\/balitangklik.com\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/balitangklik.com\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/balitangklik.com\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/users\/2"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/balitangklik.com\/index.php?rest_route=%2Fwp%2Fv2%2Fcomments&post=4802"}],"version-history":[{"count":1,"href":"https:\/\/balitangklik.com\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/posts\/4802\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":4803,"href":"https:\/\/balitangklik.com\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/posts\/4802\/revisions\/4803"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/balitangklik.com\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/media\/4177"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/balitangklik.com\/index.php?rest_route=%2Fwp%2Fv2%2Fmedia&parent=4802"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/balitangklik.com\/index.php?rest_route=%2Fwp%2Fv2%2Fcategories&post=4802"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/balitangklik.com\/index.php?rest_route=%2Fwp%2Fv2%2Ftags&post=4802"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}