{"id":5873,"date":"2026-03-27T05:59:51","date_gmt":"2026-03-27T05:59:51","guid":{"rendered":"https:\/\/balitangklik.com\/?p=5873"},"modified":"2026-03-27T05:59:51","modified_gmt":"2026-03-27T05:59:51","slug":"singilin-ang-bilyonaryo-makabayan-bloc-binatikos-si-marcos-jr-sa-pagkandili-sa-oil-giants-at-super-rich","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/balitangklik.com\/?p=5873","title":{"rendered":"SINGILIN ANG BILYONARYO: Makabayan Bloc Binatikos si Marcos Jr. sa \u2018Pagkandili sa Oil Giants at Super-Rich\u2019"},"content":{"rendered":"<p>\ud83d\udcf7: <strong>IBON Foundation | FB<\/strong><\/p>\n<p>Mariing kinondena ng Makabayan bloc ang administrasyong Marcos dahil sa umano\u2019y \u201cpatuloy na pagkandili sa mga kompanya ng langis at sa mga super-rich habang pinapabayaan ang karaniwang mamamayan\u201d na pinipiga ng mataas na presyo ng petrolyo, kuryente, at pangunahing bilihin.<\/p>\n<p>\u201cHabang nagtitiis ang mamamayan, kumakamal ang kartel at ang iilan sa tuktok; habang hinihingan ng sakripisyo ang mahihirap, binibigyan ng palugit ang mayayaman,\u201d ayon sa pahayag ng bloc.<\/p>\n<p>Tinuligsa ng mga mambabatas ang mga programang pantulong ng pamahalaan na \u201claging huli, kulang, o limitado,\u201d at iginiit na mas prayoridad ng administrasyon ang pagpapanatili ng regresibong istruktura ng buwis at ang pagtatanggol sa malalaking negosyo.<\/p>\n<p>\u201cHindi krisis sa revenue ang problema kundi krisis sa political will at krisis sa pagbibigay-pribilehiyo sa oligarkiya,\u201d dagdag ng grupo.<\/p>\n<p>Inihain ng Makabayan ang House Bill 8123 o Billionaire Wealth Tax bill, na nagtatakda ng taunang buwis sa mga indibidwal na may netong yaman na higit sa \u20b11 bilyon. May progresibong rate ito: 1 porsyento sa yaman lampas \u20b11 bilyon, 2 porsyento lampas \u20b12 bilyon, at 3 porsyento lampas \u20b13 bilyon, kalakip ang mas mahigpit na probisyon laban sa pagtatago ng yaman at maling deklarasyon.<\/p>\n<p>\u201cDapat managot ang nagtatago ng yaman at nagbubulsa ng tubo habang nagdurusa ang bayan,\u201d giit ng bloc.<\/p>\n<p>Batay sa datos ng IBON Foundation, nananatiling malalim ang agwat ng yaman sa bansa. Noong 2022, hawak ng top 10 porsyento ang humigit-kumulang \u20b140 trilyon\u2014doble ng pinagsamang \u20b115 trilyon ng bottom 90 porsyento. Samantala, kontrolado ng top 1 porsyento ang \u20b117.9 trilyon, halos tatlong beses ng pinagsamang yaman ng pinakamahihirap na 50 porsyento.<\/p>\n<p>\u201cSamantala, nananatiling mababa ang sahod at patuloy na kinukubkob ng presyo ang araw-araw na buhay ng milyun-milyon,\u201d ayon sa pahayag.<\/p>\n<p>Tinatayang makakalikom ang panukalang buwis ng hindi bababa sa \u20b1508 bilyon kada taon mula sa mga bilyonaryo, at \u20b1289 bilyon mula sa 50 pinakamayayamang Pilipino, habang nananatili pa rin ang kanilang napakalaking yaman. Ang pondo ay ilalaan sa kalusugan, edukasyon, proteksiyong panlipunan, trabaho, at pabahay, na may kasamang transparency requirements.<\/p>\n<p>\u201cHindi dapat utang at buwis sa konsumo ang laging solusyon ng administrasyong Marcos; dapat kunin ang pondo sa sobrang yaman ng iilan,\u201d diin ng Makabayan.<\/p>\n<p>Sa huli, nanawagan ang bloc sa Kongreso na agarang talakayin at ipasa ang HB 8123, at isulong ang mga tunay na maka-mamamayang hakbang laban sa profiteering, para sa mas mataas na sahod, mas mahigpit na regulasyon, at mas matibay na serbisyong panlipunan.<\/p>\n<p>\u201cPanahon nang singilin ang bilyonaryo at kartel, at ipagtanggol ang karapatan ng nakararami,\u201d pagtatapos ng pahayag. # <strong>(ROSE NOVENARIO)<\/strong><\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>\ud83d\udcf7: IBON Foundation | FB Mariing kinondena ng Makabayan bloc ang administrasyong Marcos dahil sa umano\u2019y \u201cpatuloy na pagkandili sa mga kompanya ng langis at sa mga super-rich habang pinapabayaan ang karaniwang mamamayan\u201d na pinipiga ng mataas na presyo ng petrolyo, kuryente, at pangunahing bilihin. \u201cHabang nagtitiis ang mamamayan, kumakamal ang kartel at ang iilan [&hellip;]<\/p>\n","protected":false},"author":2,"featured_media":5874,"comment_status":"open","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"om_disable_all_campaigns":false,"_monsterinsights_skip_tracking":false,"_monsterinsights_sitenote_active":false,"_monsterinsights_sitenote_note":"","_monsterinsights_sitenote_category":0,"_uf_show_specific_survey":0,"_uf_disable_surveys":false,"footnotes":""},"categories":[1],"tags":[],"class_list":["post-5873","post","type-post","status-publish","format-standard","has-post-thumbnail","hentry","category-blog"],"aioseo_notices":[],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/balitangklik.com\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/posts\/5873","targetHints":{"allow":["GET"]}}],"collection":[{"href":"https:\/\/balitangklik.com\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/balitangklik.com\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/balitangklik.com\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/users\/2"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/balitangklik.com\/index.php?rest_route=%2Fwp%2Fv2%2Fcomments&post=5873"}],"version-history":[{"count":1,"href":"https:\/\/balitangklik.com\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/posts\/5873\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":5875,"href":"https:\/\/balitangklik.com\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/posts\/5873\/revisions\/5875"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/balitangklik.com\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/media\/5874"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/balitangklik.com\/index.php?rest_route=%2Fwp%2Fv2%2Fmedia&parent=5873"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/balitangklik.com\/index.php?rest_route=%2Fwp%2Fv2%2Fcategories&post=5873"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/balitangklik.com\/index.php?rest_route=%2Fwp%2Fv2%2Ftags&post=5873"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}