{"id":5958,"date":"2026-04-22T01:48:54","date_gmt":"2026-04-22T00:48:54","guid":{"rendered":"https:\/\/balitangklik.com\/?p=5958"},"modified":"2026-04-22T01:49:51","modified_gmt":"2026-04-22T00:49:51","slug":"muling-pagsambulat-ng-korapasyon","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/balitangklik.com\/?p=5958","title":{"rendered":"Muling pagsambulat ng korapsyon"},"content":{"rendered":"<p>ni <strong>Renato Reyes Jr., Pangulo, Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN)<\/strong><\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Tila sunod-sunod at magiging explosive ang isyu ng korapsyon ngayong linggo. Mula sa impeachment hearings sa Kamara hanggang sa laglagan pagtuturuan ng mga matataas na opisyal tulad ni Martin Romualdez, tiyak na sasambulat na naman ang baho ng korapsyon sa ilalim ng sistemang burukrata kapitalismo at rehimen ni Marcos Jr.<\/p>\n<p><strong>Impeachment<\/strong><\/p>\n<p>Ngayong Abril 22 ay magtutuloy ang impeachment hearings ni VP Sara Duterte. Inaasahang sasalang sa hearing ngayong Miyerkules ang Ombudsman, AMLC, SEC, at si dating Senador Antonio Trillanes upang bigyang-linaw ang usapin ng mga nakatagong yaman ng mga Duterte na hindi deklarado sa kanilang SALN at walang paliwanag kung ano ang ligal na pinagmulan.<\/p>\n<p>Pero bago pa man ito, nauna nang inilabas ng Commission on Audit ang final Notice of Disallowance sa paggastos ng confidential funds ni Duterte noong 2022 na umaabot sa P73 million ng kabuuang P125 million. Inilabas na rin kahapon ang initial notice of disallowance na ng COA kaugnay naman ng 2023 confidential funds ni Duterte sa OVP na nasa\u00a0 P375 million. Kaya umaabot na sa P448 million ang confidential funds ng OVP na mali o hindi naaayon sa batas ang paggastos at kung gayon ay dapat ibalik ni Duterte sa gobyerno. Hindi ito matuturing na simpleng oversight o error kundi malinaw na sistematikong pagwawaldas ng pondo ng bayan. Si Duterte ay tumanggap ng kabuuang P612.5 million na confidential funds para sa OVP at DepEd mula 2022-2023. Ang P448 million disallowance ay katumbas ng 73% ng kanyang kabuuang confidential funds.<\/p>\n<p><strong>Zaldy Co babalik nga ba?<\/strong><\/p>\n<p>Habang nagaganap ang impeachment proceedings ay sumasambulat naman ang mga isyu ng korapsyon na kinasasangkutan ni Marcos Jr. at mga naging alyado niyang sina Zaldy Co at dating Speaker Martin Romualdez. Noong nakaraang linggo, si Marcos, Jr mismo ang nag-anunsyo ng pagkakadakip ni Co sa Czech Republic at ang mga pagsisikap ng gobyerno ng Pilipnas na siya ay ibalik sa bansa. Pero ang lahat nang ito ay nagbubukas ng mga tanong kung desidido ba talaga si Marcos na ibalik si Co sa Pilipinas o ginagawa niya ito upang lalong ipitin si Co. Maaalalang nong nakaraang taon, itinuro ni Co si Marcos, Jr bilang promotor ng P100 billion budget insertions at 25% kickbacks. Sabi nya, si Marcos Jr ay\u00a0 tumanggap ng pera na dinala sa bahay sa Forbes. Kung ibabalik si Co sa Pilipinas ay maaari na niyang sumpaan ang mga seryosong alegasyon niya laban kay Marcos Jr., bagay na sisikapin namang hadlangan o \u201caregluhin\u201d ng Palasyo. Palaisipan kung ano ang kahihinatnan nito kapag nakabalik nga si Co sa bansa.<\/p>\n<p><strong>Remulla vs Romualdez vs Marcos<\/strong><\/p>\n<p>Samantala, nag-anunsyo na ang Ombudsman na inihahanda na ang mga plunder case laban kina dating House Speaker Martin Romualdez at dating Senate President Chiz Escudero. Ang plunder ay non-bailable offense. Ngayong araw ay kumuha ng travel authority si Romualdez mula sa House Speaker upang pumunta sa Singapore para sa medical treatment. Tinutulan ito ng Ombudsman sa pangamba na hindi na bumalik si Romualdez. Nabigyan ng travel authority si Romualdez dahil wala namang hold departure order ang korte laban sa kanya. Kaya ngayong araw ay humingi ang Ombudsman sa korte ng hold departure order laban kay Romualdez. Kasabay nito, naglabas si Romualdez ng video na naglalayong linisin ang kanyang pangalan at ituro ang Ehekutibo at sina Zaldy Co at Chiz Escudero bilang mga sangkot at pinagmumulan ng korapsyon.<\/p>\n<p>Inaasahan natin na iigting ngayon ang bangayan at pagtuturuan ng mga dating magkaka-alyado at lalong malalantad ang kabulukan ng sistema ng korpasyon sa ilalim ni Marcos Jr. Hindi naman uubrang walang kinalaman si Romualdez sa lumobong budget at mga insertions para sa mga infrastructure projects. Pero tama din si Romualdez na hindi maaaring walang kinalaman ang Malacanang sa pagbubuo ng budget at pagpapatupad nito matapos pirmahan ng Pangulo.<\/p>\n<p>Ano ang maaaring mangyari dito? Kapag nilaglag na ni Marcos Jr. ang pinsan niyang si Romualdez ay maaari din niyang ilaglag si Marcos Jr. tulad ng ginawa ni Zaldy Co. Laglagan at turuan ang magaganap. Sa huli, ang malinaw dito, nanunuot sa buong sistema ng gobyerno, mula Ehekutibo hanggang Lehislatura, ang talamak na korapsyon at klaro kung sinong mga uri ang nakikinabang dito. Pinakamatataas na mga opisyal ng gobyerno ang sangkot. Ang pagpapanagot natin ay marapat na magsimula sa pinakatuktok. At ngayong hikahos ang marami dahil sa krisis, ngayong may namamatay sa paghihintay ng ayuda, ang kawalan ng pananagutan at restitusyon sa korapsyon ay lalo lang magpapagalit sa taumbayan. ###<\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>ni Renato Reyes Jr., Pangulo, Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) &nbsp; Tila sunod-sunod at magiging explosive ang isyu ng korapsyon ngayong linggo. Mula sa impeachment hearings sa Kamara hanggang sa laglagan pagtuturuan ng mga matataas na opisyal tulad ni Martin Romualdez, tiyak na sasambulat na naman ang baho ng korapsyon sa ilalim ng sistemang burukrata kapitalismo [&hellip;]<\/p>\n","protected":false},"author":2,"featured_media":4352,"comment_status":"closed","ping_status":"closed","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"om_disable_all_campaigns":false,"_monsterinsights_skip_tracking":false,"_monsterinsights_sitenote_active":false,"_monsterinsights_sitenote_note":"","_monsterinsights_sitenote_category":0,"_uf_show_specific_survey":0,"_uf_disable_surveys":false,"footnotes":""},"categories":[9],"tags":[],"class_list":["post-5958","post","type-post","status-publish","format-standard","has-post-thumbnail","hentry","category-editoryal"],"aioseo_notices":[],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/balitangklik.com\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/posts\/5958","targetHints":{"allow":["GET"]}}],"collection":[{"href":"https:\/\/balitangklik.com\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/balitangklik.com\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/balitangklik.com\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/users\/2"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/balitangklik.com\/index.php?rest_route=%2Fwp%2Fv2%2Fcomments&post=5958"}],"version-history":[{"count":2,"href":"https:\/\/balitangklik.com\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/posts\/5958\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":5960,"href":"https:\/\/balitangklik.com\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/posts\/5958\/revisions\/5960"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/balitangklik.com\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/media\/4352"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/balitangklik.com\/index.php?rest_route=%2Fwp%2Fv2%2Fmedia&parent=5958"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/balitangklik.com\/index.php?rest_route=%2Fwp%2Fv2%2Fcategories&post=5958"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/balitangklik.com\/index.php?rest_route=%2Fwp%2Fv2%2Ftags&post=5958"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}