Wed. May 27th, 2026

Binawi ng Firearms and Explosives Office ng Philippine National Police (PNP) ang lisensya sa baril at mga rehistrasyon ng mga armas ng puganteng si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa ngayong Miyerkules, Mayo 27.

Ayon sa kautusan ng pagbawi na nilagdaan noong Martes, Mayo 26, ang senador ay may hawak na uri ng lisensya na Type 5 at nagmamay-ari ng 117 na armas.

Dapat ding isuko agad ang lisensya sa baril at mga rehistrasyon ng senador alinsunod sa Seksyon 4 ng Batas Republika 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, ayon sa karagdagang pahayag sa kautusan.

Nauna rito, inihayag ni dating Sen. Antonio Antonio “Sonny” Trillanes IV na kasama sa status ni Dela Rosa bilang pugante ang pagkansela ng lahat ng lisensya ng kanyang nga armas at maaaring maging basehan sa pag-iisyu ng search warrant ng hukuman sa mga bahay ng puganteng senador.

“Kasama ‘yan ‘dun sa status niya na fugitibe na cancelled lahat dapat. By being cancelled, technically loose firearmas na ‘yan,” ani Trillanes sa programang Sa Totoo Lang sa One PH.

“In dact, that can be a basis for the issuance of search warrant sa iba;t ibang bahay ni Bato dela Rosa,” dagdag niya.

Kaugnay nito, sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at National Bureau of Investigation (NBI) ngayong umaga, Mayo 27, ang isang bahay sa Barangay Balibago, Angeles City, na umano’y posibleng pinagtataguan ni Dela Rosa.

Ang bahay ay pagmamay-ari ni Virgilio “Lakay” Cariño, tinukoy bilang tiyuhin ni Senator Robin Padilla.

Hindi nila natagpuan ang puganteng senador sa bahay ni Cariño. # (RRN)

By admin