Binatikos ni ACT Teachers Rep. Antonio Tinio si Defense Secretary Gilberto ‘Gibo” Teodoro Jr. sa pagpilit na lahat ng 19 na napatay sa military operation sa Toboso, Negros Occidental noong Abril 19 ay pawang mga miyembro ng New People’s Army (NPA).
Ayon kay Tinio, ang sinabi ni Teodoro ay taliwas sa resulta ng National Fact Finding Mission (NFFM) sa Toboso, gayundin sa mga pahayag ng forensic experts, human rights advocates at mga pamilya ng mga biktima na anim sa mga nasawi ay mga sibilyan.
Ang pahayag ni Teodoro , pati ang postura niya na nakipagdiwang sa mga tropang militar sa Negros, ay nagpapahiwatig ng pampulitikang pagtatakip para sa isang pattern ng mga pang-aabuso at isang mapanganib na kaisipan na itinuturing ang pagpatay bilang default na ‘solusyon’ sa tunggalian sa politika.
Giit ni Tinio, ayaw ni Teodoro na harapin ang katotohanan at pagiging bukas sa pagbibigay katwiran sa anomang patayan kapag militar ang nagsabi.
Hindi aniya ito pananagutan kundi kawalang‑pakundangan na binalutan bilang pambansang seguridad.
“Secretary Teodoro’s insistence that all those killed were NPA—despite credible, contrary accounts from families, human rights groups, and forensic findings—shows a refusal to confront the truth and a willingness to justify any killing as long as the military says so.That is not accountability. That is impunity dressed up as national security,” ani Tinio.
“Instead of addressing the roots of the conflict—landlessness, poverty, exploitation, lack of services—this kind of rabid militarism treats death as policy and dissent as a target,” dagdag niya.
Nagbabala si Tinio na ang retorika at pagpunta ni Teodoro sa Negros, pati ang mga aktibidad na nagpakita ng selebrasyon at pakikiisa sa combat units ay maaaring bigyan interpretasyon na ito’y go signal para sa ibayong agresibong operasyon na mapanganib sa mga sibilyan.
“When the Defense Secretary publicly mocks or dismisses claims of civilian victims, it emboldens troops to continue operating as if civilian lives do not matter—and as if the only acceptable narrative is the military’s narrative,” sabi ni Tinio.
Inihalintulad ni Tinio sa kultura ng pagkauhaw sa dugo at pagmanupaktura ng mga dahilan, gaya ng Oplan Tokhang ng administrasyong Duterte, ang pagiging “utak-pulbura” ni Teodoro na todo ang pagtatanggol sa pagpatay ng militar sa 19 katao na tinagurian ng kalihim bilang lahat ay rebeldeng NPA.
Hinahadlangan aniya ni Teodoro ang anomang daan tungo sa pananagutan at kapayapaan
“We have heard this logic before: “If someone fights back, they’ll die. If nobody fights back, we’ll make them fight back. Produce blood. Instill fear.” That logic has no place in a democratic society, and it must not be repeated in Negros or anywhere else,” ani Tinio.
“Stop the automatic labeling, stop the cover-up, and stop the practice of treating communities as enemy territory. The families deserve truth, and the public deserves accountability,” pagtatapos ni Tinio.# (RRN)