Thu. Sep 19th, 2024

📷 Bea Alonzo | PEP.ph

Naging matunog kamakailan ang usap usapan patungkol sa hiwalayang Dominic Roque at Bea Alonzo matapos itong ma-engage noong Hulyo taong 2023.

Nagsalita ang aktres na si Bea Alonzo sa naging panayam nya kay Nelson Canlas para sa GMA Integrated News para mabigyang linaw niya ang mga maling akala at mga gawa-gawang kwento patungkol sa paghihiwalay nila ng aktor na si Dominic Roque.

“Hindi ako ang nakipag-break,” sabi ng aktres

“Let’s leave it in the past. It’s amicable. OK naman kami. I think it will be disrespectful to the relationship and to the other person to talk about it,” dagdag pa nito.

“It’s a very sensitive topic. And gusto kong bigyang ng respeto at gusto kong iwan sa magandang paraan what we had,” saad pa ng actress.

Naging magkasintahan ang dalawa noong Enero taong 2021. Na-engaged sila noong Hulyo nakaraang taon at nakaplano sanang mag-isang dibdib ngayong taon. Ngunit inilahad ni Boy Abunda sa kanyang programang “Fast Talk with Boy Abunda” nitong nakaraang Pebrero na naghiwalay na ang magkasintahan batay sa kanilang mapagkakatiwalaang source.

Hindi na rin nagtagal ay nagbigay na ang dalawa ng payag para kompirmahin na tinapos na nila ang kanilang engagement. Gayunpaman, hindi pa rin binunyag ng dalawa ang tunay na dahilan ng kanilang hiwalayan.

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *