Sun. Nov 8th, 2026

Iminungkahi ni US President Donald Trump si Dana White, presidente at CEO ng Ultimate Fighting Championship (UFC),, bilang susunod na White House press secretary at hiniling na magsama ito ng ilang mixed martial arts fighters bilang mga assistant.

Sa isang post sa Truth Social, sinabi ni Trump na kailangan ang mga ito upang “idepensa” ang administrasyon laban sa kanyang mga kritiko.

Kabilang sa mga binanggit niya sina UFC stars Islam Makhachev, Khabib Nurmagomedov, Justin Gaethje, Daniel Cormier, Kayla Harrison, at Amanda Nunes.

Sinabi naman ni White habang nasa London na makikipagpulong siya kay Trump sa White House sa Lunes.

Bakante sa kasalukuyan ang posisyon ng White House press secretary matapos umalis si Katie Zacharia noong nakaraang buwan.#

By Web Dev