Thu. Nov 21st, 2024

NANAWAGAN ang iba’t ibang unyon ng mga obrero sa gobyerno sa mga mambabatas na kasama sa Bicameral Budget Hearing at mismong kay Pangulong Ferdinand (Bongbong) Marcos Jr. na ibalik ang tinapyas na P70-B sa P94 bilyon budget para sa umento sa sahod ng mga empleyado ng pamahalaan sa panukalang 2024 budget.

“The proposed P94 billion Miscelleneous Personnel Benefit Fund (MPBF) in  the  National Expenditure Program (NEP) for 2024 was reduced by the House of Representatives to P24 billion. The MPBF is a standby fund for increase in salaries, benefits and staffing positions. The P70 billion budget cut reduces all the more the chances for government workers to have a significant salary increase next year,” sabi ng mga grupo sa isang kalatas.

Kailangan aniyang remedyohan ang komitment ng pamahalaan na bigyan proteksyon at iangat ang kapakanan at morale ng mga obrero sa gobyerno tungo sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo sa publiko.

Anila, ang mga manggagawa ng gobyerno, tulad ng lahat ng kapwa manggagawa at mamamayan, ay nahaharap sa mas mahirap na panahon sa susunod na taon dahil sa patuloy na pagtaas ng inflation at matagal nang hindi makatarungang mga patakaran ng gobyerno sa mga suweldo, benepisyo at karapatan lalo na para sa mga mababang suweldong manggagawa ng estado at job order/contract of service worker sa pamahalaan.

Mayorya sa mga manggagawa sa pamahalaan ay kumikita ng mas mababa sa family living wage na P1,1000 kada araw o P33,000 isang buwan.

Umabot na anila sa halos isang milyon ang non-regular workers sa pamahalaan, kaya’t ang gobyerno ay maituturing na top employer of workers’ with no security of tenure.”

Wala anilang enabling law hanggang sa kasalukuyan para ganap na magkaroon ng karapatan sa freedom of association na itinakda sa ILO (International Labor Organization) Conventions na niratipikahan ng Pilipinas.

Higit pa rito, patuloy na lumalabag sa mga karapatan ng mga manggagawa ang gobyerno tulad ng red-tagging, panliligalig ng unyon at panghihimasok, hindi patas na mga gawi sa paggawa.

Nagsama-sama sa media briefing kanina sa Quezon City para ihayag ang kanilang panawagan sa mga mambabatas at administrasyong Marcos Jr. ang Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE), Public Service Labor Independent Confederation (PSLINK), Alliance of Concerned Teachers (ACT), Alliance of Health Workers (AHW), Kapisanan ng mga Manggagawa sa GOCCs at GFIs (KAMAGGFI), Philippine Independent Public Sector Employee Associations (PIPSEA), Kawani Laban sa Kontraktwalisasyon (KALAKON), at National Public Workers Congress (PUBLIK).

​“ Specifically, we call on the Marcos Jr administration and our lawmakers to undertake concrete steps, such as allocating sufficient funds in  our national budget and prioritizing corresponding legislations, in response to our just and legitimate demands.” (NIÑO  ACLAN)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *