Fri. Feb 6th, 2026

Nakaugat sa pangangalaga sa sariling interes pang-ekonomiya ang pananatili ng magkapatid na Sens. Mark at Camille Villar sa majority bloc ng Senado sa kabila ng lamat sa relasyon ng kanilang pamilya sa Malakanyang.

Sinabi ni Prof. Julio Julio Teehankee, isang political scientist, matagal nang malinaw ang political alignment ng mga Villar sa mga Duterte, ngunit may direktang kaugnayan sa negosyo ng kanilang pamilya ang hindi pagkalas sa majority ng Senado ng magkapatid na senador upang patuloy nilang mahawakan  dalawang makapangyarihang komite,Public Works at Agriculture.

“Ang tanong, bakit hanggang ngayon nasa majority pa rin ang mga Villar? The only reason why they have to stay with the majority is to protect their own economic interest,” ani Teehankee sa programang Sa Totoo Lang sa One PH.

“’Yung dalawang committee na hawak nila is very important to their own economic interest. Public works and [agriculture]. Alam naman natin ang track record ng mga Villar sa usaping ‘yan,” dagdag niya.

Matatandaan na sinampahan ng kasong kriminal ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang Villar Land Holdings Corp. at ilang miyembro ng pamilya Villar kaugnay ng umano’y market manipulation, insider trading, at mapanlinlang na mga pahayag.(ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *