Sun. Mar 22nd, 2026
Vice President Sara Duterte

Tiyak na mauungkat kung tugma ang sahod na tinanggap ni Vice President Sara Duterte bilang public official sa laman ng kanyang bank accounts sa pag-usad ng impeachment proceedings laban sa kanya sa House Justice Committee.

“So kung yung income mo as vice president is this, wala kang publicized na mga negosyo, wala kang publicized na mga inheritance, pero yung laman ng mga bank account mo is billions or millions, the presumption is: ill-gotten yan,” ayon kay Atty. Amando Ligutan, third impeachment complaint lead counsel, sa panayam sa programang Sa Totoo Lang sa One PH.

“So the moment makita ng taong bayan na milyon-milyon yung pera ng vice president, and then pag kwinenta natin yung sweldo niya, kung hindi ma-account, saan nanggaling yung perang yan? That makes it ill-gotten wealth,” dagdag niya.

Walang nakikitang balakid si Ligutan sa pag-subpoena ng komite sa bank records ni VP Sara kahit pa may kumontra.

“I don’t see any problem. But there will be definitely mag-o-object.”

Inaasahan aniya ang pagpi-presenta ng mga testigo at mga ebidensya sa pagdinig sa Abril 14 at hindi pa sa unang hearing sa Miyerkoles, Marso 25. # (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *