Fri. May 15th, 2026
Sen. Ronald "Bato"dela Rosa

Mariing kinondena ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang mabagal na pag-usad ng ethics complaint laban kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, matapos ang apat na buwang hindi pagdalo sa sesyon ng Senado habang patuloy na tumatanggap ng buong sweldo at benepisyo.

Tinawag ng ACT si Dela Rosa na “Bato-gone, Batugan,” at iginiit na hindi makatarungan para sa mga guro, kawani, at manggagawa na doble-kayod sa gitna ng krisis, samantalang may mambabatas na nakikinabang sa buwis ng bayan kahit hindi nagtatrabaho.

“Pwede palang sumweldo mula sa buwis ng bayan kahit hindi magtrabaho?” ayon sa grupo sa paskil sa Facebook.

Ipinaliwanag ni Sen. Joseph Victor Ejercito, chair ng Senate ethics committee, na maaaring maantala ang kaso dahil hindi saklaw ng kasalukuyang panuntunan ang “no work, no pay” policy.

Aniya, posibleng maibasura ang reklamo kung hindi agad mababago ang mga alituntunin.

Nanawagan ang ACT sa Senado na kumilos nang mabilis at mahigpit. “Habang ang karaniwang manggagawa ay agad na napaparusahan sa pagliban, ang mga mambabatas ay tila may impunity. Ito ay malinaw na pagtataksil sa mandato ng taumbayan,” diin ng grupo. # (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *