Fri. Nov 22nd, 2024

Lola Naty ng Brgy. Sikatuna Village, Quezon City 

Tunay na malalaman mo ang kuwento ng isang tao base sa pamamaraan nila para mabuhay.

Hindi alintana ni Lola Naty,74 taong gulang, ang init ng panahon na dulot ng El Niño habang itinutulak ang kanyang kariton para ibenta ang mga panindang gulay at prutas sa loob ng Sikatuna Village.

Sa halagang 500 piso na kita kada araw, nababawasan pa ito minsan ng 70 pesos bilang pambayad sa makakatulong niya sa paglalako.

Kuwento ni Lola Naty, pinagsusumikapan niyang magbanat pa rin ng buto upang matustusan ang mga sariling pangangailan para hindi na siya maging pabigat sa kanyang mga anak.

Aminado si Lola Naty, hindi sapat ang kinikita ng kanyang mga anak para siya’y masustentuhan.

Hindi mababakas sa ngiti ni Lola Naty ang hinanakit sa buhay, marahil dahil pinatibay na siya ng mga sinagupang hamon sa buhay.

Sadyang ang pagiging masipag at matiyaga ng mga Pilipino ay walang pinipiling edad at lugar. (ROSE NOVENARIO)

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *