đź“·Mary Jane Veloso
NANAWAGAN si dating Bayan Muna Congressman Carlos Isagani Zarate kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na palawigin ang presidential pardon o pagpapababa ng sentensiya kay Mary Jane Veloso at tiyakin ang kaligtasan niya at ng kanyang mga mahal sa buhay mula sa pananakot ng mga sindikatong nagsasamantala sa kanya bilang drug mule sa Indonesia.
“Mary Jane Veloso has suffered immensely for over a decade, a victim of a cruel system that exploits the vulnerable. It is high time for justice and compassion to prevail,” sabi ni Zarate, dating House Deputy Minority Leader sa18th Congress.
“Though with guarded optimism, we welcome the impending return of Mary Jane Veloso to the Philippines. But this is not over with her return though and the justice system here must work overtime so that she can immediately be freed and those responsible for setting her up should be made fully accountable,” ayon sa Bayan Muna Executive Vice President.
Binigyang-diin ni Zarate, isang public interest lawyer, ang pangangailangan ng gobyerno ng Pilipinas na aktibong tugisin ang mga indibidwal na responsable sa pagbiktima kay Veloso at panagutin sila sa kanilang mga krimen.
Nakakuha ng internasyonal na atensyon ang kaso ni Veloso matapos siyang arestuhin sa Yogyakarta Airport sa Indonesia noong 2010, na nanindigan na siya ay nilinlang ng kanyang mga recruiter na ginamit siya bilang isang “unwitting drug mule.”
Nanawagan din ang three-term House member sa administrasyong Marcos Jr. na aktibong magtrabaho para sa pagbabalik ng iba pang mga overseas Filipino workers na katulad ni Veloso at ngayon ay nakakulong rin sa ibang mga bansa.
Noong Setyembre 2024, mayroong 49 na OFW ang nasa death row sa mga bansa tulad ng Malaysia , Brunei, Dubai, Abu Dhabi, at Jeddah. Pinakamaraming OFW na nasa death row ay nasa Malaysia na 41, dalawa sa Brunei, at isa sa Saudi Arabia.
“We urge President Marcos to prioritize the welfare of OFWs and to take decisive action to protect them from such exploitation and abuse,” pagtatapos ni Zarate. (ROSE NOVENARIO)