IAABSUWELTO ni Las Pinas Rep. at Nacionalista Party senatorial candidate Camille Villar si impeached Vice President Sara Duterte kapalit nang pag-endorso sa kanyang kandidatura ng bise presidente sa May 2025 midterm elections.
Sinabi ni Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) President Renato Reyes Jr., na ang planong ito ni Camille ay nagpapakita na kapag nagwagi siyang senador at magisislbing senator-judge sa 20th Congress ay hindi niya isusulong ang katotohanan at pananagutan kapag nilitis si VP Sara sa impeachment court
“A senatorial candidate who seeks the endorsement of the impeached vice president cannot be expected to uphold truth and accountability in the impeachment trial,” ani Reyes.
“Camille Villar just told the nation she will acquit VP Sara Duterte in exchange for the latter’s endorsement,” dagdag niya.
Ang pakana ni Camille ay sumasalamin aniya kung gaano kalala ang kawalan ng prinsipyo at sagadsaringf oportunista ang politika sa Pilipinas kaya’t dapat ibasura ng mga botante ang ganitong uri ng oportunismo sa politika.
“This is how totally unprincipled, opportunistic and rotten Philippine politics has become. The electorate should reject this kind of political opportunism,” wika ni Reyes.
Kumalat kahapon ang mga larawan nina Camille, VP Sara at dating Sen. Manny Villar sa isang photoshoot para sa pag-endorso ng bise presidente sa kongresistang senatorial aspirant.
Si Camille ay bahagi ng senatorial slate ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas ng administrasyong Marcos Jr. (ROSE NOVENARIO)