Tue. Jun 9th, 2026

📷: Vice President Sara Duterte

 

NANAWAGAN ang mga progresibong grupo sa publiko na ibasura ang inendorsong “common vision” ng senatorial slate na Duter10, Camille Villar at Imee Marcos ni Vice President Sara Duterte dahil replay lamang ito ng UniTEam noong 2022 na isinulong para sa kanilang kaginhawaan at pansariling interes.

“We call on the people to reject this latest iteration of “Uniteam for convenience and self-serving interests”. Fight for candidates who will truly represent the interests of the people,” sabi ni Renato Reyes Jr., Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) at campaign manager ng Koalisyong Makabayan kasunod ng pahayag ni Duterte na ang Duter10 senatorial slate kasama sina Villar at Marcos ay nagkakaisa sa iisang pananaw, isang mapayapa at maunlad na Pilipinas.

Binigyan diin ni Reyes na hindi magkakaroon ng mapayapa at maunlad na Pilipinas kung walang pananagutan sa mga extrajudicial killings at katiwalian.

Hindi rin aniya magkakaroon ng mapayapa at maunlad na Pilipinas kapag laganap ang mga paglabag sa karapatang pantao at ang pandarambong sa mga kumpidensyal na pondo ay karaniwan.

“There can be no peaceful and prosperous Philippines when there is no accountability for extrajudicial killings and corruption. There can be no peaceful and prosperous Philippines when human rights violations are rampant and plunder of confidential funds is the norm,” ani Reyes.

Giit niya, tulad ng anomang alyansa ng mga tradisounal na pulitiko ng naghaharing elite, ang Duter10, Villar at Marcos ay isang alyansa ng kaginhawahan at oportunismo.

Nagkakaisa lamang aniya sila sa pananatili sa kapangyarihan at pag-iipon ng higit na kapangyarihan.

“As in any alliance of traditional politicians of the ruling elite, theirs is an alliance of convenience and opportunism. They are only united in staying in power and accumulating more power,” wika ni Reyes.

Ang alyansang ito aniya ay may layuning ipatigil ang impeachment laban kay VP Sara at manatili sa poder kahit matapos ang 2028.

“This is an alliance to stop the impeachment and to remain in power beyond 2028,” pagtatapos niya. (ROSE NOVENARIO)

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *