Fri. May 15th, 2026

TILA pinarunggitan ni Senate President Francis “Chiz” Escudero sina Vice President Sara Duterte at Sen. Imee Marcos bilang “mga propeta ng kadiliman”  kasunod ng campaign advertisement nila na may titulong “ITIM” dahil ito anila ang kulay ng bansa sa kasalukuyan bunsod ng mga krimen at karahasan.

“Sa gitna ng mga pagsubok at anumang hamon, nawa’y ang Semana Santa ay maging panahon ng pagbabago at pagkabuklod-buklod,” sabi ni Escudero sa kanyang Lenten message.

“Huwag tayo magpadala sa mga propeta ng kadiliman na nagsasabing itim at hindi makulay at maliwanag ang bukas,” giit ng Senate President.

Ayon kay Escudero, “Ang Semana Santa ay nagbibigay sa atin ng pagkakataon na magnilay at manalangin, upang suriin ang ating mga sarili bilang isang mabuting Kristiyano at responsableng mamamayan. “

Panahon aniya ito “upang isantabi muna ang anumang hidwaan, panggagamit, panlalamang, pagkakaiba ng pananaw, at ang politika na madalas naghahati sa atin. “

}Ito ang panahon para magpatawad at magkasundo tayong lahat bilang magkakapatid at bilang isang sambayanan,” wika ni Escudero.

Hindi naaayon aniya sa kuaresma ang makipag-away at magkipagbangayan para isulong ang pansariling mga hangarin at layunin.

“Kapwa muna bago ang sarili.”

Ang liwanag at pag-asa ang mensahe ng muling pagkabuhay at huwag nating payagan at hayaan ang sino man na nakawin at bawiin ito sa atin,” pagtatapos niya. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *