SINOPALPAL ng Kabataan Partylist si Nacionalista Party senatorial candidate Camille Villar sa pahayag niyang “best campaign manager in the world’ ang ama niyang si dating Sen. Manny Villar.
Sinabi ito ni Camille matapos masungkit ang pag-endorso ni Vice President Sara Duterte sa kanyang senatorial bid.
Ayon kay Kabataan Partylist First Nominee at Spokesperson Atty. Renee Co, ang kampanyang isinusulong ng mga Villar na “nationwide land-grabbing” ay epektibo para palobohin ang yaman at ibaon sa utang na loob ang mga botante at kapwa politiko.
“What campaign are they sticking to? nationwide land-grabbing? Effective talaga to para magpayaman at magtanim ng utang na loob sa mga botante at kapwa politiko,” giit ni Co.
Their best campaign tactic: Hanap. Usap. Deal,” dagdag niya.
Para aniya sa mga Villar, ang halalan ay nakasalalay sa kung anong pagmamay-ari ng kandidato kaysa sa iaalok na serbisyo para sa bayan.
Ang eleksyon aniya para sa mga Villar ay tungkol sa kanilang mga kaibigan at kayamanan at hindi para makaakit ng mga boto.
Sa kasamaang palad ay ipinagmamalaki pa ito ni Camille na walang anomang adbokasiya kundi ang pangalagaan ang mga negosyo ng kanyang pamilya.
Panawagan ni Co sa mga kabataan, huwag payagan na angkinin ng mga Villar ang pamahalaan at kinabukasan ng kabataan.
“For the Villars, elections are decided by what you own rather than what you do. It’s about the friends and riches you can own, not the voters you can win over. And Camille is even proud of this. She’s not an advocate of the youth or anything else but their property empire. Don’t let them own our government and our future too,” paliwanag ni Co.
“Baguhin na natin to. Ang boses ng kabataan at masang Pilipino ang dapat magwagi. Kailanman di to mapagmamay-arian ng mga Villar o iba pang dinastiya. Keri ng kabataan magpasya para sa deserve na kinabukasan,” pagtatapos niya. (ROSE NOVENARIO)