Lumabas sa pinakahuling survey ng OCTA Research na 66 porsiyento o dalawa sa kada tatlong mga Pilipino ang naniniwala na magiging talamak ang bilihan ng boto sa papalapit na 2025 midterm elections.
Karamihan sa mga nagsabing talamak ang vote buying ay kombinsido rin na magiging negatibo ang resulta ng halalan sa kanilang lugar.
Batay sa Octa Research survey na inilabas noong Pebrerero ang resulta, ang malaking bahagi ng botante partikular ang 73% ng Gen Z (18-24 taong gulang) at 74% ng Millennials (25-34 taong gulang) ay nagsasabi na ang pagbili ng boto ay makakaapekto sa mga resulta.
Ang Commission on Elections (Comelec) nitong Biyernes ay naglabas ng show cause order sa ilang lokal na kandidato sa halalan upang ipaliwanag ang kanilang panig sa mga alegasyon ng pagbili ng boto at pag-abuso sa mga mapagkukunan ng estado (ASR) bago ang halalan sa Mayo 12.
Ang dokumento mula sa poll body ay naglista ng 19 na indibidwal, na kinabibilangan ng isang partylist at dalawang hindi kandidato.
Muling nagpaalala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga kandidato sa gitna ng mga reklamo ng vote buying at paggamit sa mga resources ng gobyerno para sa pangangampanya.
Batay sa central monitoring complaint ng Kontra Bigay Committee, as of April 24, umabot na sa 158 ang mga reklamo laban sa mga kandidato sa campaign period kabilang ang 90 complaints sa vote buying/vote selling at 56 na pang-aabuso sa state resources.
Ayon kay DILG Assistant Secretary Jesi Howard Lanete, 16 sa mga reklamo ang may kinalaman sa bigayan ng ayuda gaya ng AICS at TUPAD.
Ang Metro Manila o ang National Capital Region (NCR) ang sentro ng vote buying, kasama ang lungsod ng Las Piñas, ayon sa Comelec.
Sa buong kasaysayan ng Las Pinas City, ngayon lang nakaraanas sa larangan ng politika na ang isang kandidato na residente ng lungsod ay nabigyan ng show cause order ng Comelec dahil sa vote buying at iba pang election offense.
Nakasaad sa report, malaki ang posibilidad na ma-disqualify ang si senatorial candidate na si Camille Villar matapos umanong mamahagi ng pera sa pamamagitan ng raffle sa lugar ng Buhay na Tubig sa Imus, Cavite, noong nakaraang buwan.
Pero ayon kay kasalukuyang Las Pinas Councilor Mark Anthony Santos, dapat daw ang inunang binigyan ng show cause order ng Kontra Bigay ay si Sen. Cynthia Villar dahil mas marami na itong nilabag sa ilalim ng Omnibus Election Code kumpara sa anak niyang si Camille.
Bago paman magsimula ang opisyal na kampnayahan ng lokal na kandidato noong March 28, 2025, napuno na ng tarpaulin at iba’t ibang klaseng political propaganda ng buong kandidato ng Nacionalista Party ni Villar.
Naging kulay KAHEL ang buong Las Pinas noon pa lang huling buwan ng 2024. Pero ito ay hinayaan lang ng mga opisyal ng local Comelec na tila walang nakikitang pglabag ang kampo ni Villar at hindi tinanggal ang mga tarpaulin kahit bawal.
Nang mag-umpisa ang kampahayan sa lokal, mas lalong tumindi sa dami ang tarpaulin ng mga kaalyado ni Villar. Kahit sa mga puno, sa poste ng Meralco, tulay at mga main road ay makikita ang pagmumukha ng 75-anyos na politiko sa iba’t ibang layout ng tarpaulin.
May nakarating pa nga sa media na masuwerte ang mga residente ng Las Pinas dahil may matatanggap umano silang premyo at pabuya kapag pumayag na ilagay sa loob kanilang bakuran ang tarpaulin ng kanditado.
Hindi tulad sa mga nakaraang local at national elections, maraming botante sa Las Pinas ngayon ang nakapansin at nnagtaka na mukhang kabado at aborido sa laban itong si Villar laban kay Santos at sa grupo ng kanyang pamangkin na si Vice Mayor April Aguilar, na llamado sa pagka-Mayor.
Dahil sa dami ng negatibong isyu na ipinupukol ngayon laban sa pamilya Villar, napipilitang mag house-to-house, dumalo sa barangay caucus kahit sobrang init at napilitang maglabas ng campaign funds dahil angat na angat na ngayon sa survey ang kanyang katunggali na si Santos.
Isa pang kapansin-pansin ngayon ay ang pagkalat ng tarpaulin ni Camille Villar sa lahat ng 20 barangay ng Las Pinas na hindi dapat maglagay at gumastos dahil si Camille ay taga-Las Pinas mismo.
Tulad ng kanyang Kuya na si Sen. Mark Villar, baka hindi maging number 1 bilang senator sa Mayo itong si Camille. Pangalawa lang si Sen. Mark sa official result noong 2022 elections.
Hinahatak pababa ang kandidatura nitong si Camille dahil sa napaka-raming negative issues laban 75-year old niyang nanay kahit pa tatlong dekada na sa pwesto ang kanilang pamilya.
Ayon sa mga political strategist sa lungsod, tumagos na sa mga botante ang political dynasty at alleged land grabbing issues na matagal ng ibinabato sa pamilya Villar pero takot at walang kakayahan na labanan ang pinaka-mayamang pamilya sa buong bansa.
Kaya ang pakiusap sa Comelec ng mga botante, maging patas o hindi biased sa mga kandidato, mayaman man o walang pondo at tutukan ang vote selling at vote buying sa Las Pinas lalo na’t may nagsabi umano mula sa kampo ng mga Villar na gagawin nila ang lahat para makabalik sa puwesto si Cynthia. (ZIA LUNA)