Apat na kaso ang puwede umanong isampa laban kay Atty. Levito Baligod matapos siyang ikanta ng apat na dating bodyguard ni dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co bilang nagtimon at nangako ng malaking halaga kapalit nang nauna nilang alegasyon na nag-deliver ng male-maletang cash sa iba’t ibang politiko.
“Mga pwede ikaso laban kay Levi Baligod at 18 Maleta Boys after 5 of them retracted their earlier accusations: 1. Perjury 2. Incriminating Innocent Persons 3. Intriguing Against Honor,” ayon sa political analyst at TV host na si Jesus Falcis sa paskil sa Facebook.
“Tapos dagdagan ng disbarment for “Attorney” Levi Baligod,” giit niya.
Pinangalanan din ng apat na bumaligtad na “Maleta Boys” sina dating Rep. Mike Defensor at Sen. Rodante Marcoleta bilang mga personalidad na nagtiyak sa kanila ng legal at political support.
“Maleta Boy Rosebert Waupan: “Pinangakuan kami ni Atty. Levi Baligod ng malalaking halaga pag matagumpay ang scam at si Cong Defensor at Sen Marcoleta ang magsisiguro ng lahat,” ani Falcis. # (ROSE NOVENARIO)