📷: Atty. Roderick Wamil, COA auditor
Dalawang beses “nasopla” ni Commission on Audit (COA) auditor Roderick Wamil si Senator-judge Robin Padilla sa ika-13 araw ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte hinggil sa alegasyong “misuse” ng confidential funds ng bise presidente.
Sa unang round ng question and answer nina Padilla at Wamil ay iniugnay ng senador sa paglaban sa terorismo ang confidential funds.
Padilla: Alam nyo ba kung gaano na ka-grabe ang terorismo sa bansa?
Wamil: Wala po akong threshold, Your Honor.
Padilla: Pero kayo po ang humahawak ng imbestigasyon sa confidential funds?
Wamil: Hindi po siya investigation, evaluation po.
Habang sa second round ng question and answer naman ay tila gustong palabasin ni Padila na kaya umano walang naganap na pag-atake sa mga anibersaryo ng CPP-NPA-NDF dahil ang pag-release ng tseke confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) mula 2022 hanggang 2023 ay malapit sa mga petsa ng mahahalagang event sa kilusang komunista.
Padilla:’Yung unang tseke ay P125,000,000 Dec. 20, 2022. Batid niyo po ba na ang founding anniversary ng CPP-NPA ay Dec. 26?
Second cheque po, P125,000,000 January 31, 2023. Ang NPA founding anniversary po ay March 29… Third cheque, P125,000,000, April 18, 2023. Ang 50th golden anniversary ng NDF ay April 24.
Ito pong dates na ito, lahat po ito, walang nangyaring attack. (Naniniwala) po ba kayo na malaki ang papel ng confidential funds?”
Wamil: Depende po ‘yan kung ano ang mandate ng agency, Your Honor.# (ROSE NOVENARIO)