📷Nars Alyn Andamo, Filipino Nurses United secretary general at Koalisyong Makabayan senatorial bet
HUWAG kang epal!
Buwelta ito ni Nars Alyn Andamo, Filipino Nurses United secretary general at Koalisyong Makabayan senatorial bet, kay Sen. Bong Go na nagpahayag na bunga ng kanyang pangungulit ang inilabas ng Korte Suprema na temporary restraining order (TRO) na nagpatigil sa paglipat ng 4th tranche na PhilHealth funds sa national treasury.
Giit ni Nars Alyn, ang pangungulit at pagkilos ng taumbayan ang sanhi ng pag-isyu ng Supreme Court ng TRO at hindi dahil sa “pangungulit” Go.
“Ang taumbayan ang nangulit at kumilos. Kung kaya’t tagumpay ng taumbayan ang TRO na nilabas ng SC para itigil ang paglipat ng natitira at 4th tranche na Philhealth funds. Hindi ito dahil sa “sulit na pangungulit” daw ni Bong Go,” ani Nars Alyn sa paskil sa Facebook.
“Fact check lang: isa si Bong Go sa nag apruba ng unprogrammed appropriations kaya nilipat ang perang P89.9 B ng PhilHealth,” dagdag niya. (ROSE NOVENARIO)