š·: PNA | FB
WALANG nalokoko si Marcos sa gimik na P20/kilong bigas.
Pahayag ito ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa proyekto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magbebenta ang gobyerno ng bigas na ā±20 kada kilo sa mga mamimili sa Visayas simula Mayo 1.
“Kasuklam-suklam ang gobyernong Marcos sa paggamit sa gutom at kahirapan ng mga Pilipino para lang makagimik at makapuntos ng boto sa eleksyon,ā ayon kay Marco Valbuena, punong opisyal sa impormasyon ng CPP.
Batid aniya ng mga tindera sa palengke, drayber ng traysikad sa kalunsuran hanggang sa mga magsasaka, manggagawang bukid at minoryang mamamayan sa kanayunan, na desperadong gimik lang ito para magpabango sa eleksyon at kunin ang suporta sa kanyang mga kandidato.
āSa pinakamatagal, tatagal lamang ng tatlong linggo ang pakitang-taong programa at mapapakinabangan lamang ito sa piling mga lugar at maliit na bilang ng mga Pilipino,ā ani Valbuena.
Binatikos din ni Valbuena ang “pagmamalinis” ni Vice President Sara Duterte na walang karapatan na magmagaling dahil punong salarin ang kanyang ama na si dating pangulong Rodrigo Duterte sa dinaranas ngayong sobrang taas na presyo ng bigas.
Giit ni Valbuena, panahon ni Duterte isinabatas ang Rice Liberalization Law na nagbukas sa bansa sa malawakang importasyon ng bigas na hindi lamang sumira sa lokal na produksyon, ibinigay din nito āsa mga gahaman at hayok sa tubo na mga kartel at burukrata-kapitalista ang kontrol sa suplay at presyo ng bigas.”
“Sa panahon ni Duterte pinakamabilis sumirit ang presyo ng bigas dahil sa ipinasa niyang batas sa liberalisasyon sa importasyon nito,” aniya.
“Magkarugtong ang mga halang na bituka ng mga Marcos at Duterte,” ani Valbuena. “Lahat ng masamang patakaran ni Duterte noon, ipinagpatuloy at lalupang pinalala ni Marcos.”
Lalo lamang aniyang pinatingkad ng girian ng mga Marcos at Duterte,ā na parehong salarin ng kahirapan ng mga Pilipino, ang kabulukan ng reaksyunaryong pulitika at eleksyon sa Pilipinas.ā
“Lumahok man ang masang anakpawis sa eleksyon, batid nila na sa pangunahin, paligsahan lamang ito ng pinamalalaking burukrata-kapitalistang nagsisikuhan para sa pagkontrol sa gobyerno at kaban ng bayan,” pagtatapos ni Valbuena. (ZIA LUNA)