Sat. Aug 8th, 2026

šŸ“·: Cynthia A. Villar | FB

 

Magagawa kaya ng Commission on Elections na parehong i-disqualify ang kandidatura nina outgoing Sen. Cynthia Villar at ng kanyang anak na hahalili sa kanya bilang senador na si Camille, dahil diumano ay parehong sangkot sa vote-buying?

Tulad ni Camille, ang matandang Villar ay nahaharap din sa kasong vote buying matapos itong mamigay ng sangkaterbang ayuda sa mga tao na ginawa sa coliseum na pag-aari ng pamilya ni Villar na mahigpit na ipinagbabawal sa batas.

Noong nakaraang Lunes, si Las Pinas City Councilor Mark Anthony Santos ay personal na nagsampa sa Comelec ng kaso para idiskuwalipika si Sen. Cynthia dahil nilabag niya ang Section 261 ng Omnibus Election Code (OEC) at Comelec Resolution No.11116 kaugnay sa vote buying at vote selling.

Nauna rito, naglabas ng show cause order ang Committee on Kontra-Bigay ng Comelec laban kay Camille Ā dahil sa sumbong na nag-aabot ng pera bilang pang-raffle.

Naganap ang aktibidad sa Buhay na Tubig, Imus, Cavite na lumabas sa social media noong February 26 kung kailan simula na ang panahon ng kampanya.

Kapag napatunayan ng Comelec parehong nilabag nina Cynthia at Camille ang mga probisyon sa Omnibus Election Code at iba pang batas ay hindi malayong madiskwalipika and dalawang Villar para sa darating na halalan at isuspinde ang kaniyang proklamasyon kung sakaling manalo sila.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na kung madiskuwalipika ang kandidato at magdesisyong idulog ang kaso sa Korte Suprema, ipatutupad ng poll body ang desisyon nito nang walang temporary restraining order limang araw pagkatapos ng ruling ng Comelec. Ituturing na stray votes ang kanilang mga boto.

Noong Abril 16, nagsampa ang Comelec Task Force SAFE ng petisyon para sa diskwalipikasyon laban kay Atty. Christian “Ian” Sia, na tumatakbo para sa lone district representative ng Pasig sa Eleksyon 2025 dahil sa paglabag umano sa mga patakaran laban sa diskriminasyon.

Naghain ng motu proprio petition ang Task Force SAFE, o Safeguarding Against Fear and Exclusion in Elections, na naglalayong idiskuwalipika si Sia para sa darating na halalan at isuspinde ang kaniyang proklamasyon kapag nanalo siya.

Naghain din ang Task Force SAFE ng petisyon upang i-disqualify ang reelectionist na si Misamis Oriental Gov. Peter Unabia dahil sa naging hirit nitong para lamang sa ā€œmagagandang babaeā€ ang nursing profession.

Nitong Lunes, Abril 28, naghain din ang Comelec ng motu proprio petition for disqualification laban kay Unabia dahil sa naturang ā€œnurse jokeā€ nito sa isa sa kaniyang campaign activities noong unang linggo ng Abril.

Nakiusap si Santos kay Chairman Garcia at mga commissioner ng Comelec na sana ay maging patas at parehas ang pagtrato nila sa mga kandidato ngayong midterm elections, mahirap man o mayaman ang mga magkatunggali.

Ang pagbibigay, pamamahagi at pagtanggap ng anumang tulong o ayuda, kung saan binanggit ang mga pangalan ng mga kandidato, o ang mga isinasagawa sa isang lugar kung saan makikita o ipinapakita ang pangalan o larawan ng kandidato, ay pinagbabawal sa batas.

Sa pagbanggit sa desisyon ng Korte Suprema, sinabi niya na ang mga pampublikong pondo ay dapat na insulated mula sa mga aktibidad na partisan sa pulitika at ang gawain ng gobyerno ay hindi dapat gamitin para sa electioneering.

Ikinabahala ng netizens lalo na ang mga political analysts na baka mapunta lang sa basurahan o ma-dismiss ang parehong disquafication case na inihain laban kina Cynthia at Camille dahil ang pamilya Villar ang pinakamayamang pamilya ngayon sa buong bansa.

Tiniyak ni Garcia sa publiko, lalo na sa mga bumabatikos sa poll body, na agad silang maglalabas ng desisyon sa lahat ng mga reklamo laban sa mga abusadong kandidato bago o matapos ang May 12 midterm elections. (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *