Sat. Aug 8th, 2026

“DAPAT pa bang paniwalaan si Vice President Sara Duterte kung sa kanya pala naman nanggagaling ang mga fake news at disinformation?”

Ito ang tanong ni Palace Press Officer Claire Castro matapos ihayag ni VP Sara na inaatake ang oposisyon kapag may lumulutang na kontrobersiya sa administrasyon.

Tinukoy ni VP Sara ang koneksyon ni First Lady sa umano’y cocaine use at isang insidente ng pagkamatay sa US sa pagdakip kay dating pangulong Rodrigo Duterte sa bisa ng arrest order mula sa International Criminal Court (ICC).

“Tandaan po natin, dumating ang First Lady sa Pilipinas March 10, 2025. Kung gusto po niyang alamin yan bilang bise presidente may records po iyan. March 11 nagkaroon ng event si First Lady with the representatives of the Girl Scouts of the Philippines , that’s May 11, 2025,” sabi ni Castro.

“Makikita natin na kasama niya ang ilang reps ng Girl Scouts of the Philippines nadyan si Dra. Cristia  Yuson, national president Mrs Teresita Gonzales, GSP Central Board member at si Mrs. Jocely Lavadilla , national executive director. March 11 nang dinala ang dating pangulong Duterte sa ICC, paano ito mako-correlate kay First Lady samantalang March 11 andito na siya sa Pilipinas kasama ang mga representatives ng GSP,” lahad niya.

“Itong sinabi ni VP Sara ay walang paggalang sa pamunuan ng organisasyon ng Girl Scouts of the Philippines. Pinapalabas niya na ang event na ito’y di nangyari. Bilang bise presidente, hindi ba dapat inalam nya muna kung itong mga taong nabanggit ko from GSP ay totoong nagkaroon ng meeting sa ating First Lady,” giit niya. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *