MALABONG pakawalan si dating Pangulong Rodrigo Duterte bunsod ng pagkuwestiyon ng kanyang mga abogado sa hurisdiksyon ng International Criminal Court (ICC) sa Pilipinas sa katuwirang hindi na bahagi ng Rome Statute mula noong 2019.
Ayon kay Atty. Gilbert Andres, isang ICC-accredited lawyer, Executive Director ng Center for International Law at abogado ng mga biktima ng extrajudicial killings (EJKs) sa Duterte drug war, hindi na bago ang inihaing jurisdictional challenge ng kampo ng dating pangulo sa ICC dahil ito rin ang batayan na inilatag ng Pilipinas sa panahon ng administrasyong Duterte nang mag-apela noong 2020 sa desisyon ng Pre-Trial Chamber na buksan muli ang imbestigasyon sa mga naganap na patayan sa war on drugs.
Nakahanda aniya ang mga biktima na magsumite ng “views, comments and observatios” sa nasabing jurisdictional challenge.
Sa panayaman sa Teleradyo, iginiit ni Andres, swak sa apat na batayan na titingnan ng ICC na konteksto sa kaso ni Duterte para umusad ang paglilitis:
- Nangyari ba ang krimen na tsina-charge na ito nung partido pa ang isang bansa ng Rome Statute , kagaya ng Pilipinas? Check. Nov. 1, 2011 hanggang March 16, 2019,
- Ito bang krimen na ito’y subject ng aming jurisdiction, andun ba siya sa Article 5 sa Rome Statute, andun kasi crimes against humanity. Check ulit
- Ito ba’y nangyari sa loob teritoryo ng state party? Check kasi nangyari siya sa Pilipinas.
- Under the custody ba ng ICC ang suspect dito? Check ulit.
Giit ni Andres,hindi maapektuhan ang legalidad ng pag-surrender sa custody ni Duterte sa ICC.
“Kahit mga academicians, legal scholars in international criminal law, majority of them would say the ICC has jurisdiction over the case against Mr. Duterte. Meron kasing isang provision sa Rome Statute na nagsasabi na ang mga kaso at mga krimen na nasa jusridcition ng ICC ay hindi subject sa statute of limitation, hindi subject sa prescription,” ani Andres.
“Kung hindi siya sakop sa prescription, kahit kailan pa yan imbestigahan at i-prosecute ay hindi issue yan kasi hind inga subject to prescription,” dagdag niya. (ROSE NOVENARIO)