Sat. Aug 8th, 2026

Photo courtesy: Christian Mano |X

 

PATAY ang isang nominee ng Ang Bumbero ng Pilipinas Martylist matapos barilin ng mga salarin na sakay ng motorsiklo bago mag-alas sais ng gabi ng Lunes, Abril 24, sa Sampaloc, Maynila.

Batay sa ulat ng DZBB, ang biktima ay si Leninsky Bacud, dating barangay chairman, at 2nd nominee ng naturang partylist.

Nangyari ang pamamaril sa P. Guevarra Street sa Barangay 435, Zone 44 sa Sampaloc, bago mag-alas-sais ng gabi at agad na dinala ang biktima sa ospital ngunit nasawi rin.

May nakaengkuwentro rin umanong pulis na residente sa lugar ang mga salarin, at ilang sasakyan ang tinamaan ng bala.

Iniimbestigahan na ng Manila Police District’s homicide division ang insidente. (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *