MAITUTURING na isang bitag ang pag-iisyu ng safe conduct pass (SCP) ng National Amnesty Commission (NAC) sa mga “rebeldeng” aplikante na binasbasas ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Inihayag ito ni Atty. Ephraim Cortez, pangulo ng National Union of People’s Lawyers (NUPL) kasunod ng paglagda ni Marcos Jr. sa memorandum na nagbibigay ng kapangyarihan sa NAC na magbigay ng SCP sa aplikante upang ma-access ang amnesty program ng gobyerno nang walang takot na arestuhin at titiyakin ng dokumento ang kanilang kaligtasan at seguridad habang hinihintay nila ang resulta ng kanilang aplikasyon.
Binigyan diin ni Cortez, ang SCP ay isang panlalansi at idinisenyo upang akitin ang mga “rebelde” upang lumabas sa kanilang lungga at madakip ng mga puwersa ng estado, alinman para ma-neutralize gamit ang salaysay ng nanlaban o kasuhan ng sunud-sunod na mga gawa-gawang kasong kriminal na magtitiyak na mananatili sila sa detensyon sa nalalabing bahagi ng kanilang buhay.
“A trick, like the proverbial cheese in the mouse trap. It is designed to lure out “rebels” to come out only to be pounced upon by state forces, either to be neutralized using the nanlaban narrative or to be charged with a string of fabricated criminal cases that will ensure that they will stay in detention for the remainder of their lives,” ani Cortez.
May pruweba aniya ito dahil dati nang hindi tinupad ng gobyerno ng Pilipinas ang mga pangako sa ilalim ng pinasok nitong Joint Agreement on Security and Immunity Guarantees (JASIG), isang safe conduct pass na inisyu sa mga sangkot sa prosesong pangkapayapaan sa National Democratic Front of the Philippines.
Sinabi ni Cortez na ang mga peace consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na mga may hawak ng JASIG, ay hindi nabigyan ng mga pribilehiyo at immunity gaya ng napagkasunduan.
Ilan sa kanila aniya ay inaresto, ikinulong at kinasuhan sa korte habang ang iba sa kanila ay pinatay sa dahilan na pinaputukan umano nila ang mga sundalo/pulis.
“NDFP peace consultants who are JASIG holders, were not granted the privileges and immunities as agreed upon. Several of them were arrested, detained and charged in court. Some of them were killed on the pretext that they shot it out with soldiers/policemen,” ani Cortez.
Giit ng NUPL president, sa nakaraang pag-uugali ng Gobyerno, ang sandatahang lakas nito, gayundin ang mga ahensyang sangkot sa mga operasyong kontra-insurhensya tulad ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ay hindi mapagkakatiwalaan na igalang ang SCP.
Ginawa na nila aniya ito dati sa mga may hawak ng JASIG kaya’t siguradong gagawin nila ulit ito sa sinumang mag-avail ng tinatawag na “safe conduct pass”.
“They did it before to JASIG holders, they will definitely do it again to anybody who avails the so called “safe conduct pass”.
Masyado aniyang mapang-akit para sa mga opisyal ng militar at pulisya ang alok na pabuya sa sinomang makakapatay o makakdakip sa sinomang sa mga sinasabing “mga rebelde na may patong sa ulo.”
“The lure of monetary benefits for being able to kill or arrest any of the supposed “rebels” who have bounty on their heads, will be too tempting for these military or police officials,” paliwanag ni Cortez.
“They will definitely kill or arrest a holder of a safe conduct pass who have bounties on their heads. Not to mention the opportunity of chest thumping by claiming that they were able to neutralize alleged rebels, specially the alleged high ranking ones,” dagdag niya.
Naniniwala si Cortez na para sa tunay at pangmatagalang kapayapaan, dapat na pormal na ipagpatuloy ng Gobyerno ng Pilipinas ang negosasyong pangkapayapaan sa NDFP, at tugunan ang mga ugat ng armadong tunggalian. (ROSE NOVENARIO)