Bayan Muna | FB
NANAWAGAN si dating Bayan Muna Rep. at human rights lawyer na si Neri Colmenares sa Kongreso at sa publiko na panagutin ang mga ahente at enabler ng estado sa talamak na red-tagging at paglaganap ng fake news.
Nagdaos ng kilos protesta ang Bayan Muna bago ang nakatakdang pagdinig ng Tri-Committee ng House Committees on Public Order and Safety, Information and Communication Technology. Human Rights, and Public Information sa mga isyu ng fake news at red-tagging ngayong araw, Abril 8.
Bilang bahagi ng protesta, ang mga kalahok ay nagtali ng mga puting laso sa mga tarangkahan ng Batasan bilang simbolo ng kanilang kahilingan para sa katotohanan, katarungan, at pananagutan.
âRed-tagging has endangered lives, silenced dissent, and weaponized lies to justify harassment and even murder. Those responsible for spreading fake news and vilifying activists, human rights defenders, and journalists must be held to account,â sabi ni Colmenares.
âNapakarami na pong buhay ang nawala dahil sa kasinungalingan at red-tagging. Hindi ito simpleng opinyon lamangâito ay bahagi ng isang sistematikong kampanya ng panunupil. Panagutin ang mga nasa likod nito,â dagdag niya.
Binigyang-diin ni Colmenares ang kagyat na pangangailangan ng mga batas na magpaparusa sa red-tagging at disinformation, lalo na kapag kagagawan ng mga puwersa ng estado.
âWe are urging Congress to take a firm stand by enacting laws that protect the people from malicious labeling and disinformation. Our democracy depends on the ability of the people to speak, organize, and dissent without fear of being targeted,â aniya.
Ang aksyong protesta ay bahagi ng mas malawak na kampanya ng mga progresibong grupo upang ilantad at labanan ang tumitinding pag-atake sa mga kalayaang sibil sa ilalim ng pagkukunwari ng pambansang seguridad.
âWe will not be silenced. We will continue to resist repression and defend the peopleâs right to truth and democratic participation,â pagtatapos ni Colmenares. (ROSE NOVENARIO)