: Former presidential spokesman Harry Roque
SINAMPAHAN ng kasong inciting to sedition ng National Bureau of Investigation sina dating presidential spokesperson Harry Roque at vlogger Claire âMaharlikaâ Contreras kaugnay sa sa kumalat na âpolvoronâ video.
Batay sa forensic analysis na isinagawa ng NBI noong Hulyo 2024, ang lalaki na ipinakita sa video na gumagamit ng illegal drugs ay hindi si Pangulong Ferdinand âBongbongâ Marcos Jr.
Nahaharap din si Maharlika, nakabase sa US, sa mga kasong âunlawful use of means of publication and unlawful utterances, cyber libel, and computer-related forgery.â
Matatandaan sa ginanap na House Tri-Comm hearing noong Abril 9 ay iniugnay ng vlogger na si Vicente Bencalo âPebblesâ Cunanan si Roque sa pagpapakalat ng âpolvoronâ video.
Itinanggi ni Roque sa ang akusasasyon ni Pebbles.
Aplikante ng political asylum sa Netherlands si Roque na umalis ng bansa noong nakaraang taon matapos maglabas ng arrest warrant laban sa kanya ang House Quad Committee hinggil sa ginawang imbestigasyon sa Philippine offshore gaming operators (POGOs). (ZIA LUNA)