š·: Former Presidential Spokesman Harry Roque
ISINUMITE ni Filipino-Dutch author Joel Vega ang dagdag na mga ebidensya para kombinsihin ang Immigration and Naturalization Service ng Netherlands na ibasura ang kahilingan na political asylum ni dating presidential spokesman Harry Roque dahil ginagamit ang Dutch system” para iwasan ang imbestigasyon sa Pilipinas na hindi katanggap-tanggap.
Sinabi ni Vega na matapos ang isang buwan mula ilunsad ang online petition asylum bid ni Roque, na nakalikom na ng 27,000 lagda ay Ā ay naghain siya ng dagdag na mga impormasyon sa Dutch IND upang palakasin ito.
Kabilang sa impormasyon ay ang kasong kriminal na isinampa ng grupo ng mga magsasaka sa Ombudsman noong Enero 2023 laban sa dalawang opisyal ng Department of Agrarian Reform (DAR) at mga director ng investment companies na pinamumunuan ni Roque.
Ang tatlong asunto ay grave misconduct, serious dishonesty, at prejudicial conduct kasama ang forgery at falsification of public documents.
Lahat ito aniya ay bahagi ng umanoāy kaso ng land grabbing sa Mariveles, Bataan na nagbigay daan sa pagpapalayas at pagkawala ng tahanan ng mahigit 127 magsasaka mula noong 2019.
Wala pang aksyon ang Ombudsman sa naturang mga reklamo.
May arrest warrant laban kay Roque dahil sa hindi pagsipot sa House quad committee hearing noong nakaraang taon kaugnay sa mga alegasyon na sangkot siya sa illegal activities sa Lucky South 99, isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).
Matatandaan, naaresto si Sun Liming, isang Chinese fugitive na may Interpol Red Notice, sa isang bahay sa Tuba, Benguet na umanoāy pagmamay-ari ni Roque.
Pumuslit si Roque palabas ng bansa upang maiwasan madakip dahil biktima raw siya ng āpolitical persecution.ā (ROSE NOVENARIO)