Wed. Apr 16th, 2025

📷 Nasa kustodiya ng PNP ang pitong Ormoc City-based pulis na natagpuan sa isang compound na pinuntahan ng getaway vehicle matapos ang pamamaril kay Albuera, Leyte mayoralty candidate Kerwin Espinosa habang nangangampanya sa Barangay Tinad-an noong Huwebes, Abril 10, ng hapon. (Courtesy of PNP PIO)

 

SINIBAK ng Philippine National Police (PNP) si Col. Reydante Ariza bilang hepe ng Ormoc City Police matapos madawit ang pitong Ormoc-based policemen sa pamamaril kay Albuera, Leyte mayoral candidate Kerwin Espinosa.

Sinabi ni PNP spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo na itinalaga si Police Colonel Dennis Jose Llavore bilang officer-in-charge.

Binaril si Espinosa sa kanang balikat ng hinihinalang sniper dakong alas-4:30 ng hapon noong Huwebes habang nangangampanya sa Brgy. Tinag-an.

Natagpuan ang pitong pulis sa loob ng isang compound na pinuntahan ng umano’y getaway vehicle na tinugis ng mga awtoridad makaraan ang pamamaril.

Pinaghahanap ng Albuera municipal police ang sniper.

Katunggali ni Espinosa sa Albuera mayoralty race Espinosa si incumbent Mayor Sixto Dela Victoria at Vince Rama, bayaw ni Ormoc City Mayor Lucy Torres-Gomez. (ROSE NOVENARIO)

 

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *