Sat. Aug 8th, 2026

MALAKI ang posibilidad na ma-disqualify si Senatorial candidate na si Camille Villar matapos umanong mamahagi ng pera ang kandidato sa pamamagitan ng raffle sa lugar ng Buhay na Tubig sa Imus, Cavite, noong nakaraang buwan.

Magsasagawa ng imbestigasyon ang Commission on Elections (Comelec) dahil sa isyu ng umano’y vote buying. Ang komisyon ay nakatakdang maglabas ng show cause order laban kay Villar.

Sabi ni Teopisto Elnas Jr., head ng Kontra Bigay, may tatlong araw si Villar upang tumugon sa show cause order kaugnay sa posibleng vote buying.

Nakasaad na kapag may presensya ng kandidato habang nagbibigay ng pera sa panahon ng campaign period ay kailangang alamin kung pasok ito sa vote buying at vote selling.

Ito ang unang beses na naglabas ng show cause order ang Kontra Bigay laban sa isang national candidate.

Agad namang itinanggi ng kampo ni Villar ang alegasyong vote buying at anupamang election offense na isinampa ng isang anonymous complainant na nakuha ng video sa nasabing event kasama ang iba pang kandidato sa Cavite.

Paglilinaw ni Villar, ang event sa Imus, Cavite na kanya umanong dinaluhan kung saan nagkaroon umano ng pamamahagi ng pera sa pamamagitan ng raffle ay nangyari noon pang Pebrero 9, 2025 na hindi sakop ng campaign period.

Nagsimula ang 60-day campaign period para sa senador at party-list organizations noong Pebrero 11, 2025 hanggang Mayo 10.

Ang 45-araw na kampanya para sa lokal na kandidato ay nagsimula noong Marso 28.

Malakas ang ebidensya ng anonymous complainant na inihain sa Comelec laban kay Villar matapos ibinahagi sa KLIK ang nasabing video at picture sa FB account ng Imus Cavite Trends, na tinawag na imuSAYA event.

Ang caption ng nasabing lawarawan sa FB ay ‘TEAM AJAA AT SEN. CAMILLE, NAGHATID NG SAYA AT PAG-ASA SA IMUSEñO.

Ang nasabing FB post ay may petsang March 7, na nagsimula na ang kampanya para sa mga kandidato sa pagka-senador at hindi Pebrero 9 na sinabi ni Villar.

Kasama ni Villar sa pamimigay ng pera at ibang pa premyo ay si Imus reelectionist Mayor Alex Advincula at mga nominee ng Agimat Partylist sa pangunguna ni Cong. Bryan Revilla.

Nakasaad pa sa FB post “Isang hindi malilimutang karanasan para sa mga Imuseno ang makasama ang isa sa pinaka-batang kandidato sa pagka-Senador sa darating na 2025 Eleksyon, para sa imuSAYA event.”

Pilit sinaliksik ng KLIK ang FB account ng Imus Cavite Trends pero tila deactivated na ang nasabing social media account.  (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *