BINATIKOS ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro ang pagbisita at overnight stay ni Vice President Sara Duterte sa House of Representatives habang patuloy na tumatangging humarap sa imbestigasyon ng Committee on Good Government and Public Accountability sa confidential funds under oath.
“The Vice President has time to visit and even spend the night at the House of Representatives, but apparently has no time to face the Committee and explain to the Filipino people how hundreds of millions in confidential funds were spent under her watch. This selective appearance speaks volumes about accountability and transparency,”sabi ni Castro.
“Nakakapagtaka at nakakadismaya na may oras ang Bise Presidente na dumalaw at magpalipas ng gabi sa Kongreso pero wala siyang oras na humarap sa komite para magpaliwanag kung paano ginastos ang milyun-milyong confidential funds. Ang taumbayan ang nagbabayad ng buwis na pinagkukunan ng mga pondong ito ,” dagdag niya
Binigyang-diin ng ACT Teachers solon na dapat na handa ang mga opisyal ng gobyerno na i-account ang mga pampublikong pondo na ipinagkatiwala sa kanila. “We reiterate our call for VP Sara Duterte to attend our hearings and explain under oath. The Filipino people deserve no less than full transparency and accountability, especially concerning billions in confidential funds.”
“Kung walang itinatago, bakit hindi humaharap? Ang patuloy na pagliban ng Bise Presidente sa aming mga pagdinig habang naghahanap ng oras para sa iba pang pagbisita sa Kamara ay nagpapatibay lamang ng pagdududa ng publiko sa paggamit ng mga pondong ito,” pagtatapos ni Castro. (ROSE NOVENARIO)