Sun. Nov 24th, 2024

ITINUTURING ng National Security Council na seryoso ang lahat ng pagbabanta sa buhay ng Pangulo ng Pilipinas at dapat patunayan at ituring na isang isyu ng pambansang seguridad.

Sa isang kalatas sinabi ni National Security Adviser Eduardo Año na mahigpit na nakikipag-ugnayan ang NSC sa mga tagapagpatupad ng batas at mga ahensya ng paniktik upang imbestigahan ang likas na katangian ng banta, ang posibleng mga salarin, at ang kanilang mga motibo.

“We shall do our utmost in defense of our democratic institutions and processes which the President represents,” aniya.

Ang pahayag ni Año ay kasunod ng babala ni Vice President Sara Duterte kahapon na ipapapatay niya sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., Speaker Martin Romualdez, at First Lady Liza Araneta Marcos kung siya ay papaslangin.

Nanawagan siya sa sambayanang Pilipino na manatiling kalmado at kompiyansa sa kaalaman na ang sektor ng seguridad ay titiyakin ang kaligtasan ng Pangulo at palaging itataguyod sa lahat ng oras ang Konstitusyon, ang  mga demokratikong institusyon, at ang chain of command.

Binibigyang-diin aniya ng NSC na ang kaligtasan ng Pangulo ay isang non-partisan na isyu, at naninindigan sa pangako na itaguyod ang integridad ng opisina at ang mga demokratikong institusyon na namamahala sa bansa. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *