Thu. Nov 21st, 2024

TALIWAS sa paulit-ulit na pagyayabang na sagot niya ang mga pulis na naasunto dahil sa pagsunod sa kanyang tagubilin sa madugong drug war ay pinabayaan pala ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang marami sa kanila, sabi ng Philippine National Police.

Ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo sa isang briefing matapos itanggi ni Duterte sa House Quad Comm hearing ang pahayag ni PNP chief Rommel Marbil na maraming opisyal sa drug war ang walang natanggap na tulong pagkatapos ng nakaraang administrasyon.

“Karapatan po ng ating dating pangulo sa kaniyang mga pananalita but the records will not lie po,” ani Fajardo at iginiit na kapos sa mga abogado ang PNP Legal Service.

Sa tala ng Directorate for Personnel and Records Management ng PNP, mayroong 1,214 na pulis ang apektado ng drug war. May 312 na namatay, 974 ang nasugatan, 195 ang na-dismiss, 20 ang nakulong, at 214 ang nahaharap sa mga kasong kriminal.

“This data cannot just be —- hindi ito biro itong data na ito. So hindi po ito pananalita lamang ng ating Chief PNP, this is backed up by a solid data po,” paliwanag ng PNP spokesperson.

Dahil sa mataas na pangangailangan para sa mga serbisyong legal, nilagdaan ng PNP ang isang memorandum of understanding (MOU) sa isang institusyong pampinansyal, na nakipagtulungan naman sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) para mag-alok ng legal na tulong sa mga opisyal na nahaharap sa tungkulin. -kaugnay na mga kaso.

Sinabi ni Fajardo na tatanggapin ng PNP ang alok ni dating Pangulong Duterte na P1 milyon na tulong para sa mga opisyal na nahaharap pa rin sa mga kasong may kaugnayan sa drug war sa ilalim ng kanyang administrasyon.

“This is a welcome development dahil kung matatandaan niyo po nagbigay ng pahayag ang ating chief PNP na noong nakaraang administrasyon particularly from 2016 to 2022 ay marami po talaga tayong pulis na humarap sa mga legal challenges ,maraming nakasuhan, some of them were dismissed , infact some of them were convicted and eventually incarcerated po sa ating mga detention facilities at yan po ang direction ng ating chief pnp to provide legal assistance sa mga pulis po natin,” sabi ni Fajardo. (TCSP)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *