📷Alliance of Health Workers | Facebook
TATLONG taon na Performance-Based Bonus (2021– 2023) ang utang ng pamahalaan sa health workers kaya’t nagsagawa ng ‘noontime noise barrage’ ang mga manggagawang pangkalusugan mula sa Philippine Orthopedic Center at National Children’s Hospital.
Ang PBB ay isang bonus na ibinibigay sa mga empleyado ng gobyerno/public health worker batay sa kanilang kontribusyon sa pagtupad ng kanilang institusyon at pangkalahatang mga target at pangako ng departamento.
“Why do we have to continually assert and demand our PBB benefits every year, when we, as health workers, have already fulfilled our duty in providing health services?” sabi ni G. Ricardo Antonio, Presidente, National Orthopedic Hospital Workers Union-Alliance of Health Workers (NOHWU-AHW).
Hinihiling din ng grupo ang nakakabuhay na umento sa sahod na sumasalamin sa kasalukuyang pangangailangan ng mga empleyado ng gobyerno. Partikular, nananawagan sila ng entry salary na ₱33,000 monthly para sa salary grade 1 health workers.
“Our monthly salaries hardly cover our daily expenses, such as food, transportation, housing, and education for our children. Bonuses like the PBB provide an additional amount to help make ends meet,” sabi ni G. Jever Bernardo, presidente, National Children’s Hospital Employees Association-Alliance of Health Workers (NCHEA-AHW).
Noong nakaraang linggo, nagprotesta ang mga health worker mula sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center, San Lazaro Hospital, at Fabella Hospital sa parehong isyu.
Magsasagawa ng malaking mobilisasyon ang mga health worker sa Nobyembre 25 sa Department of Budget and Management (DBM) hinggil sa isyung ito. (ROSE NOVENARIO)