Sat. Sep 14th, 2024

Nitong Lunes, July 15 ay nagsimula nang umere ang balik-telebisyon ni Willie Revillame sa TV5 via Wil to Win.

But more than it being pitted against GMA’s Family Feud, ang mas pinag-uusapan ngayon ay ang reaksyon ng TV host sa video greeting ni Coco Martin.

Bahagi ito–at iba pang mga pagbati mula sa mga kapwa artista–ng idinaos na welcome back party para kay Willie sa New Frontier Theatre sa Quezon City.

It served as a pre-debut event para paingayin ang TV comeback ng host whose last show Wowowin aired on the Villar-owned AllTV mula GMA, its home for close to eight years.

Going back to Coco, sinabi ng aktor na marami na namang matutulungan ang TV host as his show also dabbled in public service.

When it was Willie’s turn for his reaction to Coco’s video greeting ay ganito niya itinawid ang kanyang pasasalamat:

“Thank you, Tanggol. Thank you, Coco.”

Si Tanggol ay ang pangalan ng karakter ni Coco sa Batang Quiapo.

Hindi roon natapos ang mensahe ni Willie as he took fancy of the actor’s bangs: “I love your bangs, ha?” sabay papuri, “Sobrang bait ‘tong si Coco!”

Again, what the audience thought was the very tailend of Willie’s statement ay humabol pa siya: “To Coco, to Julia, sa mga anak n’yo, salamat!”

Obyus na ang Julia na tinutukoy ni Willie ay si Julia Montes, Coco’s rumored girlfriend.

Malinaw na hindi isang boo-boo o gaffe o pagkakamali ang tinuran ni Willie kundi slip of the tongue.

Bagama’t lantaran na ang nakikitang sweetness kina Coco at Julia, neither of them has confirmed nor denied their relationship to this day.

Matatandaang taong 2023 nang ibalita ni Cristy Fermin na dalawa na ang anak ng showbiz couple: babae na apat na taong gulang na at lalaki na 2 years old.

At presstime, Coco has yet to issue a statement as regards Willie’s “unintentional” revelation.

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *