Thu. Aug 29th, 2024

HINANGAAN ng actor-singer na si Iñigo Pascual ang katatagan ng kanyang ex-girlfriend na si Maris Racal sa pag-amin sa publiko na hiwalay na sila ng nobyong si dating Rivermaya vocalist Rico Blanco.

Napanood ni Iñigo ang ginawang public admission ni Maris na tapos na ang relasyon nila ni Blanco at alam niya na hindi biro ang pinagdaraanan ng dating kasintahan.

“I actually saw it, watched it. I feel for her. I know it’s tough but I see it in a good light,” sabi ni Iñigo.

“The way she talks about it, she’s getting to know herself, true to herself and that’s something I’m very proud of her. And it’s really hard to turn a page, turn a chapter. It’s very hard to do that. It’s out of a good heart, ‘yung ginagawa ni Maris,” dagdag niya.

Ang rebelasyon aniya ni Maris ay bunga ng magandang intensyon, walang third party, bagkus ay pinili lang niya ang kanyang sarili at alamin ang talagang gusto niya sa buhay.

“Hindi siya, walang masamang nangyari. Walang masamang anything, it’s out of a good intention. Her expressing that there’s not a third party, not anything else it’s her choosing herself, getting to know herself more,” wika ni Iñigo.

Para sa singer-actor, matatag na tao lamang ang nakagagawa na piliin ang sarili kaysa mga bagay na gusto.

“It’s something like that strongest people can do. Kung minsan mas mahirap piliin ‘yung sarili mo kaysa mga bagay na gusto mo.” (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *