Mon. Sep 16th, 2024

Matapos ang pagbibigay ng panayam ng aktres na si Bea Alonzo patungkol sa mga maling akala ng iba sa naging dahilan ng paghihiwalay nila ng aktor na si Dominic Roque, ikinagulat naman ng netizents ang kumalat na larawan nina Kathryn Bernardo at Dominic Roque na magkasamang nag-gym.

Nagmula mismo sa coach trainer na si Mauro Lumba ang larawan at ipinost sa kanyang Instagram Story na may caption na “work body”.

Mas nagkaron ng interaksyon ang dalawa matapos mahiwalay si Kathryn sa dating nitong nobyo na si Daniel Padilla.

Inihayag ni Dominic Roque sa dati niyang panayam na hindi niya inimbita ang aktor na si Daniel Padilla sa kanilang kasal ni Bea Alonzo. Dagdag pa ni Dominic, hindi sila nag-uusap ni Daniel kaya’t hindi ito kasama sa listahan ng mga inanyayahan.

“Hindi pa naman kami okay ni DJ. I mean we’re not talking since 2020. We haven’t seen each other for the longest time since 2020,” saad ni Dominic.

Noon pa man ay magkaibigan na sina Kathryn at Dominic kaya’t marami ang natuwa na makita silang nagiging malapit na ulit sa isa’t isa.

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *