IBINAHAGI ni Pauleen Luna-Sotto, asawa ni Vic Sotto, sa social media ang kanyang kasiyahan matapos magdesisyon ang korte na pabor sa kanyang asawa kaugnay ng petisyon nito laban sa pelikulang “The Rapists of Pepsi Paloma” ni Darryl Yap.
Binigyang-diin niya ang makabuluhang epekto ng “our words and actions have great power” at hinimok ang komunidad na magtulungan upang suportahan ang isa’t isa sa halip na magdulot ng pinsala.
Pinaboran ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 205 ang writ of habeas data na inihain ni Sotto against laban kay Yap.
Inutusan ng korte si yap na alisin ang teaser video ng “The Rapists of Pepsi Paloma” sa lahat ng online platforms.
Pinihintulutan ng hukuman si Yap “to proceed with the production and eventual release of the film.”
Nagpasalamat ang abogado ni Sotto na si Atty. Enrique Dela Cruz Jr.sa pasya ng hukuman at pagtutuunan na ng pansin ang mga reklamong cyber libel na isinampa laban kay Yap. (ZIA LUNA)