: Nancy Binay / FB
Kinompirma ng beteranong showbiz commentator at manager na si Ogie Diaz na ikinasal na sina Bea Alonzo at Puregold president Vincent Co sa isang simpleng civil wedding sa Makati City Hall noong Lunes, Hulyo 13, ganap na alas-7 ng gabi.
Iilan lamang ang dumalo, kabilang ang mga may-ari ng Secosana Bags na ka-partner ni Bea sa kanyang travel brand na Bash.
Ayon kay Ogie, nakakita siya ng larawan ng mag-asawa sa seremonya pati na ng kanilang marriage certificate.
Aniya, natupad na ang matagal nang pangarap ni Bea na magkaroon ng pribadong kasal. Pinabulaanan din niya ang mga usapin tungkol sa prenup, at iginiit na hindi isyu ang pera sa kanilang relasyon.
Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag mula kina Bea at Vincent tungkol sa kanilang kasal. # (ZIA LUNA)