Wari’y gustong sabihin ni Bobby Yan kay Jessy Mendiola na: “Thanks for your concern, but it’s no big deal!”
Big deal kasing masasabi ang kauna-unawa namang social media post ni Jessy addressed to some fans of Bobby’s late younger brother Rico.
Dinadagsa kasi ang puntod nito by throngs of “social media addicts” turning his grave into a “tourist spot.” Nakalibing si Rico sa Manila Memorial Park na nagmukha tuloy “recreational site.”
Pinalagan ng misis ni Lucky Manzano ang kawalan ng respeto ng mga ito na nakuha pang gumawa ng Tiktok for the sake of “likes, views and shares.”
Maanong igalang man lang daw ang namatay at ang pamilya Yan. “Where’s the decency?!” ani Jessy nga naman.
Kami man would have reacted the same. Sa dinami-dami ng puwedeng gawing content, bakit puntod pa?
Bobby–on behalf of his family–doesn’t think along that line.
Tiniyak naman daw kasi ng caretaker na hindi “binabalahura” ang libingan ng aktor.
In the physical sense, maaaring oo. But isn’t that a form of desecration in itself?
Depensa pa ni Bobby, the Yan family is even welcoming of those people na galing pa sa malalayong lugar who have been paying their weekly visits for the past 22 years (Rico passed away on March 27, 2002 due to acute hemorragic pancreatitis).
Even with the family consent, pati ba sa paggawa ng pinagkakakitaang content ay kasama sa pinahintulutan?
Making moolah out of a dead person gayong hindi naman sila may-ari ng punerarya, sementeryo, or even flower shop?