MAAARING hindi na magtatagal ay hihirit na ang gobyerno ng Amerika ng extradition kay Kingdom of Jesus Christ founder Apollo Quiboloy.
“Sa ngayon, wala pa kaming natatanggap na extradition request. Nguni’t may alam si Secretary [Jesus Crispin] Remulla na parating na raw ang opisyal na hiling mula sa Estados Unidos,” sabi ni DOJ Inter-Agency Council Against Trafficking Undersecretary Nicholas Felix Ty sa programang Bagong Pilipinas Ngayon sa state-owned PTV-4.
Ang Department of Foreign Affairs (DFA) ang tatangga[ ng US’ extradition request at magsasagawa ng isang preliminary review ng kahilingan bago ipasa ito sa Department of Justice (DFOJ).
“Tapos, kami rin ay may sariling mga pagsusuri kaming gagawin, halimbawa titingnan kung iyong offense na ito ay extraditable ‘no, or kung sakop ito ng extradition treaty natin sa Estados Unidos,” sabi ni Ty.
“Pagkatapos noon, tayo ay magsasampa na ng kaso sa regional trial court, kung saan ay doon ililitis kung karapat-dapat bang i-extradite si Pastor Quiboloy,” dagdag niya..
Si Quiboloy ay akusado sa mga kasong child abuse at human trafficking cases sa mga hukuman sa Davao City at Pasig City.
Wanted siya sa US sa mga kasong conspiracy to engage in sex trafficking by force, fraud and coercion, sex trafficking of children; sex trafficking by force, fraud, and coercion; conspiracy at bulk cash smuggling.
Nauna nang inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na kailangang harapin muna nu Quiboloy ang mga kaso sa Pilipinas bago ang mga asunto niya sa Amerika. (ZIA LUNA)