NAGHAYAG ng not guilty plea si Kingdom of Jesus Christ founder Apollo Quiboloy sa kasong trafficking sa kanyang kauna-unahang pagharap sa hukuman ngayong Friday the 13th sa Pasig Regional Trial Court.
Kasama sa mga akusado ni Quiboloy sina Jackielyn Roy, Sylvia Cemañes, Cresente, Paulene, and Ingrid Canada sa kasong trafficking o paglabag sa Republic Act 9208 o ang Anti-Trafficking in Persons Act of 2003, isang non-bailable offense.
Nahaharap rin si Quiboloy sa child and sexual abuse cases sa Quezon City RTC at babasahan ng sakdal via teleconference, sabi ng Philippine National Police.
Maaari siyang maglagak ng piyansa sa mga naturang kaso, P180,000 para sa sexual abuse of minors, at P80,000 para sa child cruelty.
Wanted si Quiboloy sa Amerika sa kasong human rights violations, child sex trafficking, fraud at iba pa.
Sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kailangan munang harapin ni Quiboloy ang mga kaso sa Pilipinas bago umpisahan ang usapan kaugnay sa kanyang extradition sa US. (ZIA LUNA)