Wed. Sep 18th, 2024

LOOKS like Angelica Yulo will have so much on her plate in the coming days.

Lately nga’y abala ang ina ng Olympic double gold medalist na si Carlos sa kanyang online selling ng mga “branded” t-shirts at beauty products.

Puwera pa rito ang kanyang patok na patok na lobgganisa business.

Angelica was also offered to endorse a dental company.

All these are geared towards generating money, to tide her through rough economic times lalo pa’t wala naman tayong nabalitaan kung magkano ang “grasyang” iaambon (lang?) sa kanya ni Carlos.

As though these material blessings don’t seem enough, isa pang kapalaran ang ngumiti kay Angelica.

Ang pagpayag na lang ang hinihintay ni Erika Joy Santos, presidente ng Mrs. Philippines Organization, para mag-compete siya sa naturang pageant.

Open to all women–married, widowed, separated and single moms–si Erika mismo ang nakaisip na sumali si Angelica.

Ibinase ni Erika ang kanyang choice of Angelica’s “goodness and kindness” as well as magandang pagpapalaki nito sa kanyang mga anak.

Tiyak daw na instrumental si Angelica sa tagumpay ng mga ito out of her relentless sacrifices for them.

Add to this ay humanga rin si Erika sa fashion sense nito.

If ever, tamang-tama ang napipintong pagsali ni Angelica sa Mrs. Philippines to be held in March next year as the entire organization is undergoing rebranding.

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *