Fri. Sep 6th, 2024

Hindi na ni-renew ng GMA -7 ang contract ni Jennylyn Mercado .

“Pero happy pa rin ako kung magiging Kapuso pa rin ako, di ba? sabi ni Mercado sa media launch bilang newest endorser ng Beautederm.

Dagdag pa niya na 20 years na siyang Kapuso at loyal siya rito.

May negotiation umano, pero sa ngayon ay freelancer siya.

Active pa rin naman siya kahit di na nirenew ang contract at sinabing nasa right place siya.

May natapos siyang pelikula sa first quarter ng taong ito kasama ang asawang si Dennis Trillo, pero di pa niya alam kung kailan ito ipapalabas. Naghihintay pa raw siya ng playdate.

Busy raw siya ngayon sa pagpapagawa ng bagong bahay nila ni Dennis.

Nakatira sila dati sa unang bahay niya pero dahil lumalaki na ang kanyang pamilya, kailangan na raw ang malaking shelter.

Nagtayo rin aniya sila ng production outfit at plano nilang mag-produce ng pelikula.

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *