Fri. Sep 6th, 2024

Ang nagagawa nga naman ng pag-ibig, oo

Isang malinaw na patunay sa mga katagang ito ay ang umaayos nang hitsura ni Kris Aquino, partikular ang pagkakaroon na ng laman ang dating humpak niyang mga pisngi.

Ito agad ang napansin ng mga netizens nang tumambad sa X (dating Twitter) ang litrato ni Kris habang ka-video call niya ang kanyang anak na si Bimby.

As already reported, Bimby is in town para asikasuhin ang kanyang mga school requirements sa pag-eenrol sa kolehiyo.

Visibly, ayon sa mga netizens ay “medyo chubby na ang cheeks” ni Kris as they’re one in praying na sana’y magtuluy-tuloy na ang papagandang aura nito.

Mabilis namang ikinunek ng mga ito ang pagiging present ng doctor-boyfriend ni Kris na kasama niya ngayon in her rented residence in Orange County in LA.

“What love can do!” sabay-sabay deklarasyon ng mga nagmamahal at nagmamalasakit kay Kris.

The Queen of All Media though has yet to share her fiancè’s name. Excited siyempre ang publiko na “mapintahan” kung anong kartada ang nobyo ni Kris who she chose over Batangas Vice Governor Marc Leviste.

One thing’s for sure, dahil daw her sons Joshua and Bimby’s opinions matter ay–to use gay lingo–“pasok ito sa banga”!

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *