Tue. Mar 24th, 2026

May “distinct possibility” o malinaw na posibilidad na ma-ground ang ilang biyahe ng eroplano mula sa Pilipinas dahil sa kakulangan ng suplay ng fuel, ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Lumabas ito sa isang panayam na inilabas nitong Martes, isang araw matapos igiit ng kanyang administrasyon na walang “krisis” sa enerhiya sa bansa.

Sinabi ni Marcos Jr., nagiging mas mahirap na para sa mga eroplano ng Pilipinas na mag-refuel sa ilang bansa, batay sa kanyang pakikipag-usap sa mga aviation stakeholders.

“Kapag lumipad ang ating airlines, may ilang bansa na nagsasabing, ‘Hindi namin kayang mag-refuel ng inyong aircraft, kaya’t kailangan ninyong magdala ng sariling fuel pabalik,’” aniya sa Bloomberg.

Dagdag pa ni Marcos, mas seryoso ang magiging problema para sa long-haul flights. Nang tanungin kung posibleng ma-ground ang mga biyahe sa Pilipinas, sagot niya: “We are hoping not but it is a possibility, a distinct possibility.”

Nauna nang inanunsyo ng Cebu Pacific na pansamantalang isususpinde ang ilang ruta at babawasan ang flight frequencies dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng fuel.

Giit naman ng administrasyon, walang energy crisis sa bansa dahil sapat pa ang suplay ng produktong petrolyo.

Ang nararanasan ng Pilipinas ay “price disruption” o pagtaas ng presyo, ayon kay Palace Press Officer Claire Castro. # (RRN)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *