Sun. Apr 19th, 2026

📷: KMU /FB

 

Humingi ng paumanhin at suporta sa mga franchisees ang mga naka-welgang manggagawa ng Kowloon House restaurant at commisary sa pagtigil ng kanilang produksyon.

“Nawa’y maunawaan niyo ang aming pinanggagalingan, dahil pare-pareho tayong nagsusumikap na buhayin ang ating mga pamilya at pasiyahin ang ating mga minamahal na customer,” the striking workers said in an open letter to Kowloon House franchisees,” anang mga manggagawa mula sa Genuine Labor Organization of Workers in Hotel, Restaurant, and Allied Industries – Kilusang Mayo Uno.

Paliwanag nila, natulak silang magwelga dahil sa paglabag umano ng pamilyang Ng (may-ari ng Kowloon) sa kanilang karapatan.

“Araw-araw gumagawa kami ng tig-6000 hanggang 7000 na siomai at siopao kaya kumikita sila ng PHP400,000 pero patuloy na binabarat ang aming sahod. Habang ang mga anak ni Michael Ng ay nagpapasasa sa magarbong buhay, kaming lumilikha ng yaman ay isang kahig isang tuka,” anila.

Sa hiwalay na paskil sa Facebook ng KMU, inilahad na “0.375% lang ng arawang tubo ng Kowloon mula sa siopao at siomai ang katumbas ng hinihinging dagdag-sahod ng manggagawa?

PHP400,000 – tinatayang arawang tubo ng Kowloon

PHP1,500 – PHP25 dagdag-sahod para sa 60 mggwa

Mas malaki pa ‘yan kung isasama ang benta ng mami, pancit, at iba pang produkto ng Kowloon House.

Kaya mag-expand ng franchise, magpalit-palit ng security, magpasweldo ng mga sulsoltants, at pondohan ang maluhong mga buhay – pero ayaw dagdagan ang sahod ng manggagawa!

Ganid sa tubo yan, Ng Family?!” # (RRN)

 

 

 

 

 

By admin